Kabanata 55

1K 28 1
                                    

Kabanata 55
Nilalagnat


Tapos na ang final exam namin at nai-submit na rin namin lahat ng requirements sa school, kaya...

Sem break na!

7 pm pa lang andito na ko sa bar namin. First day ito ng sem break, kaya nag bigay ng 50% discount si Ashton at Ysaiah sa mga U-Prince. Hindi na talaga ko magdududa kung talagang malugi ang bar na ito. Hahaha! Nasa VIP room na ang ilang mga U-Prince, pero wala pa yung babe ko. Kanina pa yun on the way, ah? Tsk!

"Who is the girl with your brother? Girlfriend nya?"

Hindi kumibo si Heduey na nasa tabi ko, kaya nilingon ko sya. Nakita ko ang pagtitig nya sa dalawa at mukhang galit sya.

"Uyy, Heduey?"

Napatalon sya. "Ewan. Siguro."

Narinig naman pala ako ng bruha, di pa kaagad sumagot! Bakit kaya? Mag kaaway na naman kaya sila? Tsk! Aso't pusa talaga ang mag kuya na'to.

"Wait, ha? Puntahan ko lang sila." Paalam ko. Tumango lang sya sakin. Mukhang badtrip talaga sya. Nag martsa ako palapit kela Axel na kausap si Ashton.

"Hi Axel."

Tumango lang sya sakin at wala pa rin pinakitang ekspresyon. Medyo napahiya ako ron ha?! Well, medyo sanay na rin naman ako. Tumaas agad ang isang kilay nung babaeng kasama nya ng makita ko. Eh! Kaya naman pala badtrip sakanya si Heduey, may pagka-maldita ang hinayupak!

"Sino sya?"

Napangiwi ako sa naging tono nung babae. Shit! Kung hindi lang sya kasama ni Axel, sinapak ko na kaagad to.

"She's Ruwesha, Brex's girlfriend." Tamad na tugon ni Axel sa babae na hindi man lang nag abalang ipakilala ito sakin.

"And she's also my cousin." Singit ni Ashton.

"Ah! Isa rin palang Vizconde?" Nagulat ako sa biglang pagbabago ng tono nya at ngayon ay malaki na ang ngisi sakin. "Hi I'm Bianca-"

"I'm not asking!" I rolled my eyes.

Pumihit ako para talikuran sila, at iniwang laglag ang panga ni Ashton at nung Bianca'ng yon, habang si Axel yun at dedma parin.

"Shit! Ang arte!"

"Oh, bakit?" Tanong ni Heduey ng makalapit na ko sakanya.

"Alam ko na kung bakit parang badtrip ka sa babaeng yon! Kainis-"

"What a high temper?"

Tumindig ang balahibo ko ng biglang may bumulong sa tenga ko. Isang familiar na boses. Awtomatiko akong napangiti. Hinarap ko sya at agad na ipinalupot ang aking braso sa kanyang batok para yakapin ito ng mahigpit.

Shit! I missed him.

I swear, parang yelong nalusaw yung galit ko dahil sakanya. Narinig ko ang pag ngisi nya at niyakap din ako pabalik at bahagya pang binuhat.

"Ohh! You really missed me, ha?"

Kumawala ako sa pagkakayakap sakanya para harapin sya.

"Bakit ikaw? Hindi mo ako na miss?" Ngumuso ako.

Actually, kahapon lang naman kami huling nag kita, pero na miss ko na talaga sya agad. Damn!

"Imposibleng hindi, lagi kaya kitang namimiss."

Awtomatiko akong napapikit at napangiti ng maramdaman ang malambot nyang labi sa aking noo.

"EHEEEM! Baka langgamin na tayo rito."

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon