Kabanata 14

881 34 6
                                    

Kabanata 14
Future boyfriend

“Wala pa ba si Jerimie? Kelangan na natin mag simula sa rehearsal.” Usal ng pabidang si Danica.

Napairap ako sa kawalan. Feeling assistant director naman ito!

“Ruwesha?”

Kaagad nagliwanag ang buong mundo ko nang marinig kong iusal nang pinakamamahal kong si Brex ang napaka ganda kong pangalan.

“Ano yon my Brex?” Malandi kong usal.

Umubo sya saglit para iklaro ang lalamunan. “May number ka ba ni Jerimie? Paki contact naman sya, sabihin mo mag start na tayo.”

“I don't have.”

Tumaas ang isang kilay nya. “Talaga?”

“Yeah. Ahmm... Pero parang ang alam ko may klase sya ngayon.”

“How did you know?”

Pinag pawisan agad ako ng malamig. “Ha? H-Hula lang, ahmm... D-Diba nga kase irregular students sya? So, I guess he had another class today.”

“Alam nyo naman pala eh! Bakit sya pa yung pinili nyong maging main character?”

Kase nga irreg sya, kaya naisip ko na kapag nanyare to' pwdeng ikaw na ang syang pumalit bilang main male character o diba, I'm so bright?

“I'm sorry.” Naiusal ni Aline.

“Bakit hindi na lang kaya ikaw ang pumalit sakanya? Mas bagay sayo yung role ng bida.” Umaasa kong sabi.

“Sya na nga yung director diba?” Singit naman ng epal na si Danica.

“Am I talking to you?”

“Sinasabi ko lang-”

“Tama na yan. Rico, ikaw nang pumalit kay Jerimie.”

Nalaglag ang panga namin lahat sa pag pili nya kay Rico. Hindi ko naman sinasabing panget itong si Rico pero, I swear, sa lahat ng mga ka-grupo namin itong si Rico ang pinaka hindi bagay sa role na iyon dahil may pagka-malambot itong kumilos, feeling ko nga ay bading ang isang to' pero ayaw lang mag ladlad.

“Seriously?” Napairap ako sa kawalan.

“T-Teka! Bakit ako?” Pag protesta rin nitong si Rico. Bakla!

Susubukan lang naman natin, sige na puwesto na kayo.”

Wala ng nagawa si Rico kundi sumunod na lang kahit halata naman sakanya na labag ito sa loob nya. Nanginginig ang kamay nyang hinawakan ang kamay ko. Tss! Ang bading talaga.

“CUT!” Sigaw ni Brex. Nakakunot ang noo nyang lumapit samin. “Mali yung pag hawak mo. Ayusin mo.”

“O-Okay” Sagot ni Rico sakanya.

Ikaw na lang kase rito, Brex. Please!

“Cut!” Sigaw ulit nya kahit hindi pa naman sumasalat ang kamay ni Rico sa kamay ko.

“Bakit Direk?” Tanong ni Rico

“Nanginginig ulit yang kamay mo.”

“Ha? Hindi naman na, ah?”

“Nakita ko! Sige na. From the start!”

“Hay! Ano ba yan, from the start na naman.”

Hindi ko maiwasan mapangiti. Tss! Don't tell me, Brex na pati itong si Rico ay pinag seselosan mo pa?

“Cut!” Sigaw ulit nya ng mahawakan na ni Rico ang kamay ko.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon