Kabanata 11

885 39 3
                                    


Kabanata 11
Surpresa

“Oh, san ka galing?” Tanong ni Aline sakin, isang araw ng bigla akong nawala sa klase.

"I just brought my excuse letter to Mrs. Reyes."

“Ha? Excuse letter?” Overreact naman daw sila.

“Bakit? Para san?” Si Jhazel.

“I have a five days vacation with my mom and dad.”

“Talaga? San naman kayo pupunta?” Tanong naman ni Ademel.

"US”

“SA USA?” Sigaw nila.

Uminit ang pisngi ko ng mapa tingin samin lahat ng mga ka-klase namin. Si Brex lang yata ang hindi lumingon pero sigurado ako na narinig nya ang pag uusap namin dahil isang row lang naman ang pangitan namin sa isa’t-isa.

“Sshh! Ang OA nyo talaga!” Iritado kong sabi.

“Aba! Syempre! USA yon no.” Ani Ademel.

“So?”

“USA is USA, ano ka ba? Pangarap ko rin kaya mag punta roon, pero mukhang makakarating lang ako don someday as a worker.”

I really don't know, what's the big deal with USA at kung bakit kelangan pa nya kong dramahan dahil lang don. Actually, dahil nga hindi ako pumayag mag party sa birthday ko kaya napag desisyon nila mommy na puntahan na lang si kuya Gavin para mag kakasama kami sa birthday ko. Pumayag ako kase miss ko na rin si kuya.

“Iba ka talaga. Ang dali lang sayong makarating sa ibang bansa.” Nakanguso naman na sabi ni Aline.

“Pero teka, diba next next week na birthday mo? So ibig sabihin wala ka rito non?” Jhazel asked.

“Ice-celebrate namin sa US yung birthday ko, pero pipilitin ko pa rin makauwi rito sa mismong birthday ko para... Para makasama kayo.”

And Brex, of course

“Talaga?”

“Yeah. Basta don't forget my gift ha?”

“Ano bang gift ang gusto mo?” Ademel asked.

Ngumisi ako at inilapit ang mukha ko sa kanila. “Si Brex.”

“Ang hirap naman ng gusto mo-”

Napawi ang halakhak ko. Anong mahirap? Ganon ba talaga ka imposible yon?

“Tss! Shut up!” Wala na ko masabi. Sinira na nya ang araw ko.

Lumipas ang limang araw. Bukas na ang flight namin papuntang US. Maisip ko pa lang na limang araw kong hindi makikita si Brex, sumisikip na agad tong dibdib ko. Fvckshit! Kaya naisip kong puntahan na lang sya. Walang pag dadalawang isip akong kumatok sa pintuan ng bahay nila kinagabihan.

“Good Evening po tita.”

“Oh. Ruwesha.” Nanlaki ang mga mata ni tita Nelia ng makita ako. “Gabi na. Bakit napabisita ka?”

8 pm na kase, hindi ako mapakali kaya napasugod ako dito.

“Si Brex po, andyan?”

“Si Brex? Ah. Eh... Inutusan ko syang bumili sa convenience store, pero pabalik na yon.”

“Ganon po ba? Sige hintayin ko na lang po sya rito sa labas.”

“Bakit dito pa? Sa loob mo na sya hintayin.”

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon