Kabanata 26

900 33 4
                                    

Kabanata 26
White rose

Sumasakit ang mga mata ko pagpasok ko pa lang ng gate ng campus, puro sweet na mag jo-jowa na lang kase ang nakikita ko rito. Valentine's day ngayon kaya mukhang ginawa nilang park itong campus at dito sila nagsisipag date. Badtrip! Wala naman forever!

Madami rin akong nakikitang mga babae na may hawak na bulaklak pero wala naman kasamang boyfriend. Gusto ko tuloy isipin na baka binili lang nila iyon para sa sarili nila. Tsk! Mga style nyo sobrang bulok. Mag isa akong nag martsa papunta sa building namin. Kumislap agad ang mga mata ko ng madatnan ko si Brex na nakatayo sa tapat ng classroom namin. Nakapamulsa ang isang kamay nya at deretso ang tingin nya sa hawak nyang bulalak. Oo, tama! May hawak sya ngayon bouquet ng white roses. Tatlong taon ko na syang ka-klase pero ngayon ko lang sya nakitang bumili ng bulaklak. Para kanino naman kayo yon? Para sakin? Shit! Asa pa ko!

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko kasabay ng paginit ng pisngi ko ng mag tagpo ang mga mata namin dalawa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero ang lagkit talaga ng tingin nya. Shocks! Hindi ko alam kung paano ko nagagawang labanan ngayon ang mga titig nya.

“Sige na lumapit ka na.” May narinig akong nag sabi mula sa likuran ko pero hindi na ako nagabala pang pansinin sila, basta deretso pa din ang tingin ko sa kay Brex.

“Hi Ruwesha?”

Nakita ko ang pagdapo ng mga mata ni Brex sa lalaking tumawag sa pangalan ko na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko, kaya awtomatiko rin akong napatingin rito.

“Para sayo.” Wika nang isang matangkad at morenong lalaki habang hawak-hawak nya ang isang malaking tobleron at tatlong pirasong red roses.

Hindi ko sya kilala pero parang pamilyar sya. Siguro ay galing sya sa kabilang classroom.

“Para sakin?” Naituro ko pa ang sarili.

“O-Oo, para sayo nga.” Nahihiya pa itong napakamot sa batok nya. “A-Alam mo kase matagal na kitang gustong makilala kaso nahihiya ako.”

“Ah, ganon-”

Natigilan ako ng makita ko sa gilid ng mga mata ko ang biglang pag alis ni Brex. Pinanuod ko syang nag martsa papunta sa loob classroom namin.

“Ahmm. S-Salamat dito, ha?” Nagmamadali kong kinuha ang tobleron at roses na hawak nya. “Ano palang pangalan mo?”

Hindi ko alam kung bakit namumula sya. Dahil siguro sa hiya.

“Jm-”

“Okay! Bye Jm.”

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa classroom namin. Nakita ko agad si Brex na tulala lang sa upuan nya, habang nakapatong ang bouquet sa arm chair ng upuan nya. Hindi sya nag angat ng tingin sakin kahit alam ko na alam nyang ako yung pumasok.

“Andyan ka na pala, Ruwesha!” Sigaw ni Aline sakin.

Uminit ang pisngi ko ng mag si-tinginan sakin ang mga busy kong ka-klase. May iilan din sa kanila ang may hawak ng mga bulaklak, kaya hindi ko alam kung anong meron sa hawak ko para pag tinginan nila ako ng ganito.

“Oh, ikaw na talaga, haba ng hair.” Sabi ni Jhazel ng makalapit na ko sakanila.

“A-Ako lang bumili nito.” I lied.

“Talaga? So, ikaw lang din ba bumili ng mga ‘to?”

Literal na nalaglag ang panga ko ng makita ang anim na pirasong roses, dalawang malaking tobleron, isang dairy milk at isang red ribbon cake na nakapatong sa upuan ko.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon