Kabanata 12

921 33 5
                                    

Kabanata 12
Happy Birthday

6:30 pm ng makarating kami sa bahay.

“Oh. Sweetie? Hindi ka pa ba bababa?” Tanong ni Daddy ng makababa na sila ni Mommy sa kotse.

“No, dad. Mag papahatid na rin po kase ako kay manong Bert sa meeting place namin nila Ysaiah.”

“Ah. Ganon ba? Okay, basta wag kang gaanong mag papagabi ha?”

“Okay po dad.”

Medyo pagod na ko sa byahe pero hindi naman pwede na baliwalain ko ang surpresa ng mga pinsan ko. Napatalon ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya agad kong tinignan kung sino ang tumatawag dito.

Ysaiah’s fvcking calling...

“Hello Ysaiah?”

“Nasan ka na?”

“Ha? Andito na sa... Malapit na.”

“San na nga?”

“Eto na. Tanaw ko na yung bar.”

“Ha? Okay. Bye..bye!”

*Tooot! Tooot!*

Nag kibit balikat na lang ako.

“Manong, wag nyo na po ko hintayin. Mag papahatid na lang po ako kela Ashton.”

“Okay, miss Ruwesha.”

Pinasadahan ko muna ng mga daliri ang buhok ko bago ako bumaba ng kotse. Pag bukas ko ng pintuan ng bar nadatnan kong nakapatay ang ilaw kaya wala akong makita. Kinapa ko agad ang switch ng ilaw at in-on ko ito.

“HAPPY BIRTHDAY!”

“Oh my!” gosh!

Dumapo agad ang palad ko sa bibig ko. Alam ko naman na may surprise sakin ang mga pinsan ko pero hindi ko lang talaga in-expect na ganito karami ang sasama sakanila para isurprise ako. Hindi naman kase ako friendly na tao. Ni-wala nga akong maituturin na totoong mga kaibigan ko kaya nakakagulat lang na ganito kadami ang mga tao ngayon. Nakatayo silang lahat sa gitna, habang may hawak silang mga regalo. May mga lobong nakadikit sa mga pader at malaking tarpulin sa gitna kung saan nakalagay ang picture ko at may “Happy 18th birthday” na nakalagay.

Isa-isa ko silang pinag masdan. Malaki ang ngiti ni Ysaiah at Ashton na nakatayo sa gitna, napapalibutan sila ng mga ka-klase ko, mga ka-banda ni Ysaiah at ng mga U-Prince. Isa-isa silang lumapit sakin para batiin at iabot sakin ang mga regalo nila. Hinanap agad ng paningin ko si Brex, pero tanging si Raizer, Liam at Axel lang ang narito ko.

“Happy Birthday!” Lumapit si Ashton at hinalikan ako sa pisngi.

“Thanks you Ash.”

“Happy birthday our Princess!” Si Ysaiah naman ang humalik sakin pisngi.

“Thanks Ysaiah.”

“Na surpresa ka ba namin?” Nakatodo ngising tanong ni Ashton sakin.

“Sino bang hindi masu-surpresa dito?” Mapakla akong ngumiti.

“Happy birthday, Ruwesha!” Patakbong lumapit sakin si Bea.

“Grabe! Ang daming gwapo rito.” Bulong naman ni Joanna sakin.

Pero wala naman yung pinaka gwapo sa paningin ko.

“Happy birthday!” Sabay-sabay na sambit ni Liam, Axel at Raizer ng makalapit na sila sakin.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon