Kabanata 25

901 33 4
                                    


Kabanata 25
Drama

Binanggit ko kay Ysaiah at Ashton ang tungkol sa student's night ng mag punta ako sakanila nang weekends.

“Ay! Sayang. Hindi na ko kasali  sa students night na yon.” Sabi ni Ysaiah.

3rd year college na kase sya.

“Gusto mo ba ako na lang ang date mo non? Para maging sikat ka?” Humagikgik si Ashton.

“Tse! Ayoko nga.”

“Hindi ka pa ba inaaya ni Brex?”

Honestly. Hindi ko alam kung tanong ba talaga iyon o pang aasar lang sakin ni Ysaiah.

“B-Bakit naman nya ko yayayain, hindi naman nya ko gusto.”

“Pero gusto mo naman ayain ka nya?”

OF COURSE!

“Of course not! May girlfriend syang iba. Nakita nyo naman nung nakaraan, diba? Kaya malamang yun ang magiging ka-date nya non.”

Bwesit! Nabanggit ko pa kase. Nag flashback na naman tuloy sakin yung eksenang yon.

“Mukhang hindi naman nya yon girlfriend.”

Nambilog ang mga mata ko sa sinabi ni Ashton.

“Weh? Pano mo naman nasabi? Sweet na sweet nga sila non.” With my bitterness tone

“Kase nung pinakilala nya samin yung babae, ganito ang sinabi nya.” Umubo pa ito at pinilit gayain ang boses ni Brex. “Si Kimberly nga pala, galing din sya sa B.S accountancy.”

Kumunot ang noo ko. “Anong mali sa pag papakilala nya dun sa babae?” Inosente kong tanong.

“Kase wala naman syang sinabi na ‘girlfriend ko’ kaya malamang hindi sila, baka fling-fling lang.” Singit ni Ysaiah.

Wow! Daming alam.

Pero, malamang ay hindi nya iyon sasabihin dahil hindi naman kayo close, saka Girlfriend man nya iyon o kafling-fling lang. Hindi ko iyon matatanggap!

Nag ayang lumabas si Ysaiah pag sapit ng gabi. Gusto nyang bumili kami ng snacks sa 7/11 kahit marami naman kaming pwedeng kainin na stocks nila rito. Pumayag akong sumama para naman malibang ng kaonti. Nag paiwan naman si Ashton, tinatamad daw sya kaya hinayaan na lang namin sya.

“Sandali Ysaiah. Mag papalit lang ako-”

“Wag na. Okay na yan.”

“Huh?”

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko. Naka maong shorts ako na halos matakpan na ng makapal at mahabang long sleeve dress ko. Naka-tsinelas lang ako at nakapusod ng pa-bon ang buhok ko.

“Sige na nga  Tara na.”

Nambilog ang mga mata ko sa gulat, pag bukas ko pa lang ng pintuan ng 7/11.

“Shit!”

Pumihit agad ako para sana lumabas na lang ulit kaso naharang na ko ni Ysaiah.

“San ka pupunta?”

“Sa kotse na lang-”

“Ruwesha?”

Napa-pikit ako nang tawagin ni ate Brena ang pangalan ko. Lumunok ako at napilitan pumihit para harapin sila.

“H-Hi ate?” Hilaw ang ngiti ko.

Nakita ko ang bahagyang pag awang ng bibig ni Brex. Alam ko, tulad ko hindi rin nya in-expect ‘to. Hinawakan ako ni Ysaiah sa balikat at itinulak ako palapit kela Brex.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon