Kabanata 33

849 35 2
                                    

Kabanata 33
Lagnat

Simula na nang bakasyon namin. Kelangan ko ng maghanap ng trabaho para mabili ko ang relo’ng gusto kong iregalo para sa birthday ni Brex. Kaso hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ba ako hahanap ng mapapasukan ko. Sinubukan ko narin kausapin si daddy para ipasok ako ng summer job sa ‘CELCOR’ na power supplier dito sa buong lungsod ng Cabanatuan, na pagmamayari rin naman ng Vizconde Family, kahit isang buwan lang sana, ang kaso nagalit lang si daddy sakin, akala nya ay pinag lololoko ko raw sya. Hindi nya maintindihan kung bakit kelangan ko pang mag trabaho roon, kung kelangan ko naman daw ng pera ay pwede naman daw akong manghingi na lang sakanya. Yayaminin talaga sya. Tsk!

“Summer job? Bakit mo naman yun kelangan?” Tanong ni Bea ng minsan makipag meet ako sa kanila ni Joanna.

“Next month na kase yung birthday ni Brex, bibilan ko sya ng regalo.”

"Talagang, hanggang ngayon si Brex parin?"

"Of course!" Mabilis kong sagot kay Bea.

"At talagang nakipag kita ka lang samin para dyan? Grabe! Ang tagal natin hindi nag kita-kita tapos iba naman pala ang dahilan mo nang pakikipag meet-"

"Pwede ba? Masyado akong problemado ngayon para pakinggan ka sa mga drama mo!" Inis kong sabi.

"Ay! Grabe sya."

"So, ano nga? May alam ba kayo?"

“May pera ka naman, ah? Bakit kelangan mo pang mag hanap ng summer job? Napalayas ka ba sainyo o nakumpiska yung credit card mo, o baka naman na bankrupt na ang pamilya mo?” Walang kwentang tanong ni Joanna.

"Hindi no!" Ngumuso ako. “Kilala nyo naman kase si Brex, diba? ayaw non tumatanggap ng regalo na galing sa pera ng pamilya ko-”

“Tss! Eh. Bakit mo naman kase sasabihin na galing sa pera nyo yon, edi sabihin mo pinag trabahuhan mo kahit hindi.”

Tama si Joanna. Tinatanong ko nga rin iyon sa sarili ko, kung bakit kelangan ko pa kaseng mag hanap ng trabaho kung kaya ko naman bilin iyon galing sa pera ko. Oo, ayaw ni Brex tumanggap ng regalo na galing sa pera ng pamilya ko, pero kung tutuusin naman pwede naman talaga akong mag sinungaling na lang sakanya na kunwari galing iyon sa pinag trabahuhan ko kahit hindi, pero lintik parang hindi ko naman kayang mag sinungaling sakanya. Hays! Ang OA ko talaga pag dating sakanya.

“Basta! Wala ba talaga kayong alam?”

“Madami, hindi lang kami sure kung kakayanin mo.” Si Bea.

“Kakayanin ko! Kahit anong trabaho pa yan.”

Pipilitin kong kayanin hanggang sa maipon ko na yung perang kelangan ko.

“Teka! May naisip na pala akong magandang trabaho para sayo.”

Lumaki ang ngiti ko sa sinabi ni Joanna.

“Seriously?”

“Oo, tutal peymus ka naman sa facebook at instagram, at madami kang followers. Bakit hindi ka mag online shop?”

Kumunot ang noo ko. “Online shop?”

“Oo, nag o-online shop din kase si ate.”

Ipinaliwanag sakin ni Joanna ang lahat ng tungkol sa pag o-online shop. Tama sya, mas madali nga iyon, hindi na ako gaanong pagod, kikita pa ako ng malaki kung madaming o-order sakin.

“Sige, gusto ko yan!” Sabi ko.

“Sige, mamaya tatawagan na lang kita kapag nakausap ko na si ate.”

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon