BINUKSAN ng binata ang aircon. Si Alyssa nama'y iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Naroon ang malaking television na may built-in VHS. May computer, component, organ, mga rack ng kung ano-anong tape.
Umupo siya sa malaking sofa na sa palagay niya ay isang sofa bed na ang kulay ay dark lang nang bahagya sa mamahaling wall paper na kulay-beige. Contrast sa carpet na pinaghalong itim at lila ang kulay. Sa sulok ng malaking silid ay isa pa uling pinto.
Nakangiting nilingon siya ng binata nang kuhanin nito ang tape at isalang. Pagkatapos ay isinara nito ang blinds sa bintana at umupo sa tabi ng hindi kumikibong si Alyssa. Ang mga mata ay nasa screen.
"You're very quiet. Bakit?" Inakbayan nito ang dalaga at kinabig payakap.
"Ano ang iisipin ng Tiya Conchita mo na narito tayo sa kuwartong ito?" aniya.
Nagkibit ng balikat ang binata "Kung ano ba ang gusto niyang isipin. We could even justify it," tukso nito. "And I can do everything I want to do with you dahil solo lang tayo dito," kunwari ay nananakot ito at yumuko sa balikat niya na akma siyang kakagatin.
Alam ni Alyssa na nanunukso lang si Jim. Pero hindi niya mapigilan ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib niya lalo at nanatiling nakayakap ito sa kanya. Pilit siyang kumakawala pero hindi siya nito pinapakawalan.
"Relax. I just wanted to hug you like this." Isiniksik nito ang mukha sa leeg ni Alyssa. "Hmn... you're sweet."
"Jim... hindi ko maiintindihan ang palabas niyan. Gusto ko pa naman ang pelikulang iyan," mabuway niyang iwas.
Ang sinimulang tukso ay nauwi sa totoo nang siilin siya ng halik ng binata sa mga labi. Kung gaano katagal siyang hinalikan nito ay hindi niya alam. Nang bahagyang ilayo ni Jim ang mukha sa kanya at titigan siya ay naroon ang matinding pangangailangan sa mga mata nito.
"Lord, Alyssa! I can't help it..." bulong nito na sinapo ng dalawang kamay ang mukha niya. Pagkatapos ay muli siyang hinagkan nito sa noo, sa mga mata, sa pisngi... at muli sa mga labi niya.
"J-Jim..." Ang naiusal niya kasabay ng madali at matinding pagtugon sa mga halik ng binata. At ikinalilito iyon ng isip niya. Hindi niya maunawaan ang pangangailangang nadarama niya... kung ano ito at saan galing... at ang pagdaloy ng init sa katawan niya pababa.
Bumaba ang mga labi ng binata sa leeg niya habang unti-unting tinatanggal nito ang mga butones ng blouse niya at alisin iyon mula sa mga balikat niya. Pagkatapos ay naramdaman niya ang init ng mga kamay nito sa likod niya nang tanggalin nito ang hook ng bra.
She was lost completely nang bumaba ang mga labi ni Jim sa dibdib niya. At ang kamay ng binata ay parang apoy na tumutupok sa pagkatao niya.
Ipinikit ni Alyssa ang mga mata niya at naglahong lahat ang anumang maaari niyang isipin. Umiikot ang lahat para sa kanya at ni hindi niya namalayang ibinaba siya ng binata sa carpet mula sa sofa at inihiga.
Pakiramdam niya ay nananaginip siya nang maramdaman ang lamig na nanggagaling sa aircon na humaplos sa katawan niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay patayo si Jim.
"Damn you, Alyssa!" pagalit nitong sabi na tumingala sa kisame at sinuklay ng mga daliri ang buhok.
Nanatiling nakahiga sa carpet ang dalaga. Tinakpan ng mga braso ang dibdib. Nalilitong nakatingin lang sa binatang nakatunghay sa kanya. Hindi niya kayang arukin ang nasa mga mata ni Jim nang iabot nito ang kamay sa kanya at hilahin siya paupo.
Kalituhan at pagdaramdam ang nakita ng binata sa mukha ni Alyssa.
"What have I done?'' mahinang tanong niya. "Bakit ka nagagalit?"
BINABASA MO ANG
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR)
RomanceNakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa ga...