Chapter 4

40.3K 802 10
                                    


LUMIPAS ang isang linggong hindi narinig ni Alyssa ang tawag ni Jaime Villaroman, Jr. At lumipas ang araw sa kanya na tulad din ng dati. Opisina-escuela-bahay.

Eksaktong alas-nuwebe beinte ay nasa labas ng gate si Alyssa. Maglalakad pa siya nang kaunti patungo sa paradahan ng jeep pauwi sa subdibisyong tinitirhan niya.

Ganoon na lang ang gulat niya nang may humawak sa braso niya.

"Jim!"

"'Pag nagugulat pala kita ay natatawag mo ako sa pangalan ko, ha?" tukso ng binata na hawak pa rin ang braso niya.

"Bakit ka... kayo nandito?" sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya.

"Sinusundo kita. At huwag mong sabihin sa aking hindi ka nagpapasundo sa boss mo. At kung sasabihin mo sa aking hindi naman siguro kita bubuhatin dito, then you will have a surprise of your life."

Tinatantiya ng dalaga ang kaharap. "Where's your car?" aniya makalipas ang ilang sandali.

Lumapad ang ngiti ng binata. "Good girl." Inakay nito ang dalaga sa lugar na pinagparadahan ng sasakyan. A midnight blue four-wheel-drive pickup.

Tumatakbo na sila nang mapuna ng dalagang hindi patungo sa kanila ang tinatahak ng sasakyan.

"Saan tayo pupunta?"

"Natitiyak kong hindi ka pa naghahapunan, so let's have..."

"Please, Mr. Villaroman, nakikiusap akong ihatid mo na akong deretso sa bahay," agap ng dalaga. "'Pag naabala ako ng dating ay tiyak na mag-aalala ang Tiya Andrea. Hindi nga niya gustong kumuha ako ng panggabing klase."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng binata bago nagmaniobra sa isang intersection upang bumalik.

"'Sabi ng Papa, graduating ka sa susunod na semester." Si Jim makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Isang tango lang ang isinagot ni Alyssa.

"Ilang taon ka na?" Si Jim uli.

"Almost twenty one." Pormal niyang sagot na bahagyang sumiksik sa dulo.

"Why are you so stiff? Relax. I don't eat pretty ladies para sa hapunan ko," biro nito.

Nilinga ng dalaga ang katabi. "Bakit mo ginagawa ito?"

Isang kibit ng balikat ang ginawa ng binata. "Believe me, Alyssa. I tried my very best to resist you. I made it a rule na huwag magbigay ng ibang atensiyon sa mga empleyado namin nang higit pa sa employer-employee relationship."

"You should have sticked to your rule."

"Galit ako at abala nang una kitang makausap sa telepono. Pero matapos kong maibaba ang telepono ay nanatili sa likod ng isip ko ang boses mo. Husky... sexy. Natural na natural. Hindi sinasadya o aral. Even when you stammer." Nginitian siya nito.

Idinako ni Alyssa ang tingin niya sa dinaraanan. Marami na ang nagsabi sa kanya niyon. Kahit ang mga business associate ng boss niya, pero natatanggap niya ang mga papuri graciously. Ngunit bakit ang lalaking ito ay ikinaiilang niya ang mga sinasabi? Bukod pa roon, bakit ba sa pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito tuwing tumitingin?

"Sinikap kong huwag isipin iyon," patuloy ni Jim. "Pero nang tumawag ako sa iyo nang sumunod na araw ay narinig uli kita. Really, Alyssa. You irritated and intrigued me. Bukod sa hindi mo gustong ipakausap ang Papa sa akin, nag-hangup ka pa. Why, I could have terminated you right there and then." Amusement ang nasa tinig nito.

"Humingi na ako ng paumanhin sa iyo."

"Alam mo bang ilang segundo na kitang pinagmamasdan bago mo namalayang naroon ako?" patuloy ng binata na tila hindi siya nagsalita. "Nawala ang galit ko. Sa halip, you made my heart beat so fast that I was alarmed. Who is this woman that is looking down like the dawn..."

For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon