29

1.1K 30 0
                                    







Caleb POV






Nandito kaming lahat ngayon sa bar ko,nag ayang mag inuman si Loyd.Naka dalawang bote pa nga lang ako nang my tumawag sa phone ni Celine,bestfriend ni Jenny.







Napatingin kaming lahat sa kanya nang sumigaw siya nang WHAT.





"hey,bat ka namam sumisigaw dyan?lasing ka na ba?"tanong sa kanya ni Merl.






"guy's,punta tayo nang Mansion nila Nica,something bad happen to her"Celine said,kaya nag uunahan na kaming umalis nang bar.







Aaminin ko nong unang kita ko palang sa kanya,my naramdaman na agad akong kakaiba sa kanya,parang nag slow motion ang buong paligid ko.At tumibok nang mabilis ang puso ko.







Nang nasa mansion na kaming lahat,sa living room nalang kami pinaiwan ni Ate Diane,siya nalang daw kasi ang kakausap sa doctor na tumitingin ngayon kay Jenny.






Maya-maya,inutusan naman  ako nang isa sa mga kaibigan ni Jen na tawagan ko daw si Bryan,inirapan ko muna siya bago nga tawagan si Bryan.






Naka isang ring pa nga lang nang sinagot niya ito.Bilis ah?







"hello bro.My problema nanaman ba kayo ni Jen?"agad kong tanong sa kanya,narinig ko naman siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.







"meron bro. at sobrang laki nang problema namin,alam mo ba kong nasaan siya?"tanong niya naman.







"yeah,andito sa mansion nila,at andito din kaming lahat,nahimatay kasi siya bigla,yun ang sabi ni Troy,umuwi daw dito habang umiiyak"







"pupunta ako dyan,at dyan ko nalang din sasabihin sa inyo kong anong nangyari sa amin"mahahalata mo sa boses niya yung sobrang lungkot.








"okay bro,antayin ka nalang namin dito"sabi ko,saka binaba ko na yung phone ko.At bumalik ako sa inuupuan ko kanina.







"ano sabi niya bro.?"tanong ni Chad sa akin.







"papunta na daw siya dito,kaya antayin nalang natin siya"sagot ko,at napa tango naman siya.






Nakita naming pababa na yung lalaking doctor sa hagdan.Kaya tumayo kaming lahat at sinalubong siya.






"kamusta na ang bestfriend namin doc.Pogi?"tanong ni Loyd sa kanya.Ngumiti naman yung doctor.






"mas mabuting sila nalang yung mag sabi sa inyo,mauna na ako sa inyo"sagot nang doctor,saka diri-diritsong lumabas nang mansion.






"ang labo naman ni doc.oh"pag mamaktol naman ni Kat-kat.







Mag iisang oras na kaming nag aantay dito sa living room nang makita kong pababa na nang hagdan sina Jen at Ate Diane.







"waaaaaahhh,andito kayong lahat?wooooow"sigaw niya,nagsi takbuhan naman palapit sa kanya ang mga kaibigan namin,nanatili lang kasi akong naka upo dito sa sofa at tinitignan ko sila.






Nakita kong tumingin siya sa akin at nanlalaki ang mga mata niya,sabay sigaw niya nang pangalan ko.







"CALEEEEEEBB"Sigaw niya,at tumakbo siya palapit sa akin,at niyakap niya ako at pinag kukurot ang pisngi ko,nagulat naman ako sa ginawa niya pero hinayaan ko nalang siya.






Marry A Complicated Jerk(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon