PAGBISITA
PAGKAGISING KO ay doon ko palang naramdaman ang gutom ko. Naligo ako bago dumiretso sa kusina na nadatnan kong tahimik na nag-aalmusal ang aking pamilya. Tahimik na umupo ako sa tabi ni Zushuki at ngitian ako nang binigyan ko sya ng pagkain sa plato nya.
Hindi kakain si Zushuki kung hindi ako ang maglalagay ng makakain nya sa plato.
"Good Morning..." Bulong ko sa kanya at binigyan sya ng isang halik sa pisngi.
"Good Morning ate.." Sabi nito at binigyan rin ako ng isang halik.
"Bakit wala ka sa sarili kahapon?" Napabaling ako kay kuya Zuji sa tanong nya.
Bahagya akong natigilan. "Ah-kasi si Kaszie n-nag away kami..." Panakip butas ko.
Bakit pa yon ang nagawa kong dahilan e, Malabo namang mag-aaway kami non.
"Talaga ba? Nakakabaliw ba ang mag-away kayong dalawa ni Kaszie? Kaya pala kung makalingon ka sa buong kanto para kang tanga." May pagkasarkastikong sabi nya. Na sa amin naman ang atensyon nila papa at mama. Si Zuki ay busy sa pagkain.
Palagi naman kaming dalawa ang center of attention e. Kaming dalawa lang ang nag-iingay. Ingay hindi dahil sa saya. Ingay dahil sa away.
Paano nya nalaman iyon? Nandoon ba sya non? Nakita nya ba si Zyriel? Kaya nagagalit to ngayon dahil pinagkamalan nyang boyfriend ko si Zyriel? Oh, No! Kung Ganon ay nagkakamali sya.
"Ma—"
"—Nasa gilid ako ng puno at nakita kitang papasok sa kanto at bigla ka nalang huminto at pabaling baling kapa." Putol nya sa pagdedepensa ko.
"Kung hindi lang kita kaanu-ano. Pagkakamalan kitang baliw. Pagsasabihan ko na ba si Kaszie na hwag makipag-away sayo dahil nababaliw ka kapag nagkakaganyan kayo." Kunot na kunot na ang kilay nitong sabi at mabibigat na rin ang pag-hawak nya sa mga kutsara't tinidor dahil gumagawa ito ng malakas na ingay.
Napayuko ako iniisip ang ginawa ko. Kung makakakita nga ako ng ganon ay pagkakamalan kong baliw iyon.
Lagi nalang akong ganito. Yung mananahimik na lang sa tabi at yuyuko na parang na-bully. Naiintindihan ko naman sila. Pero ang akin lang ay masyadong malaman at tumatagos sa aking buto ang bawat salitang binibigkas nila. Masyadong masakit na ang hirap kalimutan.
Tumikhim si papa, bago nagsalita. "Dadalaw tayo sa lola nyo." Sabi nito at napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"T-talaga po?" Gulantang tanong ko. Tumango ito sa akin.
Napalitan kaagad ang bigat sa dibdib ko. Biglang naexcite ito dahil sabik na sabik na akong masilayan ang lola ko.
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...