MAGKIKITA PA TAYO
NAPABANGON AKO ng matiyak kong wala na sya. Napayuko ako sa tuhod ko at doon humagulhol ng iyak. Sabi ko na, may dahilan sya pero para sa sarili lang nya. Napakaselfish nyang lalaki. Mas inaalala pa nya ang mararamdaman nya kaysa sa mararamdaman ko. Kailangan pa rin nyang sabihin ang totoo no matter what.
As long as I can ay magpapakatatag ako. Simpleng problema lang ito kung ikukumpara sa mga ibang tao. Hindi lang ako may mabigat na problema. Kaya kong lampasan ito. I will not give up. Kahit ano pang katangian ni Zyriel ay gusto ko parin sya.
Pinunasan ko ang mukha ko at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Wala roon sina mama kaya hindi na ako nagpaalam sa kanila. Tinungo ko ang lugar na tinatambayan nya. Gusto kong magkaayos kami bago ako umuwi sa pampanga.
Nasa kalayuan palang ako ay kita ko na sya na naka upo sa malaking bato. Mababasa mo sa mukha nya ang iba't ibang emosyon. Pero nangingibabaw roon ang kalungkutan. Tahimik ko syang nilapitan pero ng ilang metro nalang ang layo ay napahagulhol na ako kaya nakuha ko kaagad ang atensyon nya. Ramdam kong nagulat sya sa presensya ko.
"S-suzumi..." Sambit nito sa pangalan ko.
Mas napahagulhol ako ng marinig ko ang boses nya. Alam kong hindi na sya magtatagal dito sa mundo. Kaluluwa lang sya na pwedeng kahit anong oras ay maari syang kunin ng poong maykapal. Kakayanin ko bang mawala sya? Siguro bawat segundo ay mamimiss ko ang pagsulpot nya kahit saan. Yung pambibwisit nya. Papaano ko sya sasagutin kung wala rin namang kwenta iyon dahil hindi rin kami magtatagal.
"Suzumi." Sambit nito at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
Bakit ganon? Bakit ko sya nakikita? Bakit ko sya nakakausap? Bakit ko sya nahahawakan? Bakit? Sa mga napapanood ko ay kapag hinawakan mo ang isang kaluluwa ay lulusot lang ang kamay mo sa kabila. Para lang silang hangin dito sa mundo pero parang kakaiba ang Zyriel nato? Bakit namin nagagawang hawakan ang isa't isa? Naguguluhan na ako.
"Patawarin mo ako..." Bulong nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Forgive me, Zumi.."
Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng maramdaman kong mababasa ang telang suot ko sa balikat. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng kasing edad ko lang na lalaking umiiyak. He looked like a lost kid crying so hard.
Parang may batong pumunta sa dibdib ko dahil biglang bumigat iyon. Ang sakit makita syang umiiyak. Hindi lang ako sanay dahil kapag kasama ko sya ay ang napakaperpektong ngiti nya ang laging nakikita ko."You're forgiven." Bulong ko at hinagod ang likod nya " Stop crying Zyriel, sinasaktan mo ang puso ko", Ginawa kong biro ang tono pero lumabas sa bibig ko iyon ng napakaseryoso.
Tumango ito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Pero na-gguilty parin ako. Saktan mo ako Zumi, saktan mo ako." Wika nito at bahagyang lumayo sa akin na nakalahad ang dalawang braso nya.
Lumuluha ako napailing sa kanya. "H-hindi. Hindi ako mababaw na tao Zyriel, naiintindihan kita kahit na medyo malabo pa pero hindi ko kayang mawala ka sa akin ng ganon ganon lang."
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...