CHAPTER 12: DREW

39 5 2
                                    

DREW

NAPABALING AKO  sa kung saan ng galing ang magandang boses na iyon. Kasabay iyon ng mga pilintik ng gitara. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinungo ang tunog ng gitara.

Isang lalaking nakaupo sa malaking ugat na mapapansin ka agad ang kalakihan nitong katawan na may V Shape ang likod. Sando ang suot nito at ang sarap nyang pagmasdan.

Pinagpapantasyahan ko na ba sya?

Sa likod palang ay malalaman mo na kaagad na may magandang itsura ito. Napakaputi at kinis ng balat nya. Balat mayaman.

I cleared my throut. "Excuse me?.." Tawag pansin ko rito.

Tumigil sya sa pagkalabit ng gitara at unti unting binalingan ako. Sh*t! Ang Gwapo nga nya. Ngumiti ako rito bago lumapit.

"Ang ganda ng boses mo.." Namamanghang puri ko rito.

"Salamat binibini," Wika nito at tumayo sya para harapin ako.

Napatawa naman ako ng mahina. Hindi ako sanay tawagin nila ako ng ganyan. Isa lang ang tumawag sa akin ng ganyan. Si Zyriel, speaking of him. Asan na sya? Akala ko ba dito sya lagi namamalagi? Galaero!

"Lagi ka rito?" Tanong ko.

Close? Kung makatanong..

Ngumiti ito. Langya naman! Bakit ganito pakiramdam ko? Nanginginig na nanlalambot ang tuhod ko. "Hindi," Sagot nito.

Ang bored nyang kausap. Ang dry dry nya. Buti pa si Zyriel napakaenergetic.

"Ahhh, Okay. Namangha lang ako sa boses kaya ako napalapit sa iyo. A-aalis na ako, sorry sa istorbo." Awkward ng sabi ko at kinawayan sya bago tumalikod.

Bad mood siguro o talagang hindi lang sya talkative katulad ko.

Dahil sa ayaw ko pang umuwi ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang lawak ng lawa na ito. Tiyak kong palayo na akong palayo dahil kumonkonti na ang mga paru paro at nakikita ko na ang hangganan ng lawa.

Sa hindi kalayuan ay may tanaw akong maliit na kubo. Halatang matagal na itong nakatayo rito dahil inaanay at ang mga tungkod nya sa ilalim na syang tangkay nito para tumayo ay mahina na.

Tinungo ko iyon at huminto lang ng nasa tapat na ako ng pinto. Aktong papasok na ako sa loob ng may marinig akong sigaw.

Alam ko kung kanino boses iyon.

Dali dali akong tumakbo sa makahoy na bahagi ng tabon. Hindi ko ininda ang mga mahapding maliit sugat sa aking balat na nanggaling sa mga matatalim na balat ng kawayan pati na rin ang mga talahib.


"Kaszie, nasaan ka?!" Sigaw ko. At nagpatuloy sa pagtakbo.


"Tulong..." Rinig kong sigaw nya.


FINDING A GHOST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon