CHAPTER 8: CAN I COURT YOU?

47 7 0
                                    

CAN I COURT YOU?

Medyo malamya ang pagkilos ni Kaszie ngayon. Alam kong nasaktan ito ng todo. Matagal na naghintay si Kaszie para sa taong mahal nya. Maaga rin itong nagtrabaho para na rin sa pagpadala sa boyfriend nya. Hindi ko alam kung bakit sya ang nagluluwal ng pera, e sa hindi pa naman nya ito asawa. Lalo na ay babae pa sya. Wala syang karapatan na problemahin nya ang pag-uwi dito ng jowa nya.

Kakagaling lang namin sa covered court dahil P.E subject. Kahit babae kami ay pinagtrain nila kami ng basketball. Kung tinignan ay parang ang dali lang. Bakit ganon? Hindi naman mabigat yung bola pero kahit na ibato ko ng malakas ay hindi parin ito tumatama sa ring. Ang daya lang kasi ang mga boys ay ang basic lang sa kanila.

Dumiretso kami ng washing room para magkapagpalit. Pagkatapos ay tumungo na kami sa canteen para bumili ng tubig bago pumasok ulit sa room para sa kunin ang mga gamit namin.

"You okay?" Tanong ko kay Kaszie ng nasa corridor na kami.

Ngumiti ito na hindi umabot sa tenga nya. "Ayos lang ako. Tanggap ko na. Pero ayaw lang kasing magsink-in sa utak ko ang mga nangyayari." Malamyang sagot nito.

"Ayos lang... You can do it. Kaya mo yan! Ikaw si Kaszie e." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Tumango lang ito sa akin. "Sana ang sakit pwede mo nalang hawakan para pag nasaktan ka madali mong maisupalpal dyan kay James at ng malaman nya kung gaano ka nasaktan... Gago sya."

Hindi na ito nagsalita pa kaya nanahimik nalang ako. I know She needs space. Nang nasa kanto na kami ay huminto ito at wala sa sariling nakatingin ng diretso sa saan patungo sa kanila.

"Boys never realize how much one little thing can hurt girl." Bulong na sabi nito at walang pasabing naglakad.

"Ang saklap ng dinanas ng kaibigan mo." Nabaling ako sa gilid ko at nakita ko si Zyriel na nakatingin rin sa papalayong kaibigan ko. "Kawawang Kaszie... Magmamahal nalang kasing tao sa manloloko pa. Bakit ba hindi sya humanap ng katulad kong matino—opps, nag-iisang lang pala ako na nakatadhana para sayo." Sabi ni at may pakindat kindat pag nalalaman. Gusto kong masuka sa pagmumukha nya.

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo."

"Bakit? Hindi naman ikaw ang broken hearted para mawala ka sa mood. Nag-iinarte ka lang. Halika nga at samahan mo ng nalang ako." Hindi ako nakapagreact ng biglaan nya akong hilain sa kung saan.

FINDING A GHOST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon