CHAPTER 9: I'm Falling

50 7 3
                                    

I'm Falling

ILANG ARAW ng di nagpapakita sa akin si Zyriel. Mabuti iyon dahil hindi pa ako nakamove-on sa lahat ng nangyari makalipas. Masyadong mabilis ang lahat. At hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko ng hingin nya ang aking permiso. First time ko ang ganitong pakiramdam. Hindi ko alam kung nagkakagusto na rin ba ako sa kanya o natural lang ang aking nararamdaman dahil sya palang ang lalaking naglalakas loob na bwisitin at asarin ako.

Kapag iniisip ko lahat ng mga nangyayari ay hindi ko alam kung bakit napapangiti ako na kung dapat ay wala lang iyon dahil alam kong nagbibiro lang sya. Pero... Nagbibiro nga lang ba sya? Kung nakatingin sya sa akin ay parang lulubog na ako sa lambot ng kanyang tingin. Ang boses na bigla nalang nag bago sa aking pandinig na para iyong musika na ang sarap sarap ulit ulitin. At ang mga hawak nya sa balikat ko ay syang nagpalambot sa akin na parang hinahaplos ako ng kalangitan.

"Miss Cheng!" Napapiglas ako ng tayo ng marinig ko ang sigaw na iyon.

Si Mr. Alvarez

"I called your name not once but thrice. Get out of the room..." Galit nitong sabi at nakaturo pa ang hintuturo nya sa pinto.

Napatungo ako at kita ko sa peripheral ko ang mga kaklasi kong bumubingisngis. Si Kaszie naman ay nakatingin sa akin.

"Kita na lang tayo mamaya," Bulong nito sa akin ng kunin ko na ang bag ko.

Hindi ko sya pinansin at nakatungo lang na naglakad. "I'm sorry..." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.

Saan na ako pupunta?

Bwisit kasing Zyriel nato. Nagd-day dream tuloy ako. Kasalanan mo to e. Yari ka talaga sa akin kapag nagkita tayo. Pag-uuntugin ko kayo ng mga kaklase ko. Mga loko loko.

Dahil tamad akong maglakad ng malayo papunta sa rooftop. Sa likod ng school nalang ako pumunta para magpahinga. Tutal ilang minuto nalang ay uwian na. Tumungo ako sa mga puno kung saan nag-emote kahapon si Kaszie. Umupo ako sa ligaw na ugat at isinandal ang likod ko sa trunk ng puno. Ang sarap matulog rito.

"Did you miss me?" Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang boses ni Zyriel.

Kaagad akong umayos ng upo para tiyakin na sya nga ito. Nakita ko syang nakatayo na gilid ng puno sa hindi kalayuan sa akin. Nakasilay rito ang ngisi nya. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako bigla ng pagkasigla.

"Z-zyriel?" Usal ko.

Unti unti itong lumapit sa akin. Kaya napatayo na ako. Ng ilang metro nalang ang layo ay huminto na sya.

"Binigyan lang kita ng araw para makapag-isip ka. Sana sapat na ang tatlong araw para mapagbigyan mo na ako." Sabi nito at naglakad muli papalapit sa akin. Idiniin ko naman ang likod ko sa trunk dahil masyado na syang malapit. Nagulat ako ng biglaan nya akong ikinulong sa dalawang braso nya. At mas lalo kong ikinagulat ng inilapit nya ang mukha nya ng isang dangkal. Nanlalaki naman ang mata ko. "Kita tayo sa lawa." Bulong nito at lumayo na sa akin.

FINDING A GHOST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon