EPILOGUE

63 3 2
                                    

NAKATULALA LANG syang nakatingin sa bintana ng umaandar na sasakyang sinasakyan nya. Iniisip nitong tama ba ang desisyon na magpakalayo na muna kay Zyriel. Labis syang nasasaktan kapag naalala nya ang postura ng binata na wag syang mawala sa tabi nya. Gusto nyang bumalik muli pero pinigilan nya ang kaniyang sarili. Iniisip nitong tinatalikuran nya ang problema na ito. Parang napaghihinaan sya ng loob na bumitiw sya sa pagsubok na ito.


Buo na ang desisyong iwan ng tuluyan si Zyriel at magpakalayo-layo. Kahit masakit para sa kanya iyon ay yun ang kailangan gawin. Hindi matatapos ang problema kung walang magpaparaya. Ngunit sa pagpaparaya nyang iyon ay pare-pareho silang nasaktan ng lubusan.




Pagkahinto ng bus na sinasakyan ay kaagad syang tumungo sa sakayang dyip. Ilang minuto pa ang lumipas bago nya narating ang pampanga. Sumakay ito ng isang tricycle na papunta sa kanilang bayan.




"Apo.." Tawag sa kanya ng kaniyang Lola at sinalubong naman nya ito ng mano.




"Nay", Sambit nito.


" Mekeni pumasok ka sa loob. Sakto megluto ako ng sigang."





Wala syang magawa ng hilain na sya ng kanyang Lola papasok sa kusina. Panandalian nyang nawala sa isip nya ang bumabagabag sa kanya. Napakadaldal ng kanyang Lola kaya hindi nito magawa ng mainip kapag narito sya. Mas magkasundo sila kesa sa kanyang ina. Kapag bakasyon ay dito na sya pumaparine. Pero ngayon ay hindi lang dito sya magbabakasyon, dito narin sya hahanap ng trabaho pero ayaw na syang pagt-trabaho-in ng kanyang Lola. Kaya wala syang nagawa kundi nalang sya sa tabi nya at tulungang mamahala sa malaking bakuran nila. Mayroon rin silang farm na di kalayuan sa tinitirhan nila. Lahat ng kayamanang hawak ng Lola nya ay galing sa kanyang namayapang asawa nya.






Pagkatapos nilang kumain ay hindi na sya nag-abalang magpahinga  pa dahil tumungo kaagad sya sa likod para pakainin ang mga alaga nilang manok. Umalis ang kanyang Lola kaya sya nalang ang gumawa ng gawiin ng matanda rito. Sa isang linggong pamamarine nya rito ay paikot-ikot lang ang naging buhay nya. Pagkagising sa umaga kakain ng almusal, maglilinis ng bahay, at magpapakain ng mga alagang hayop sa likod. Pagsapit ng hapon ay maliligo sa tabon hanggang sa sumapit ang gabi ay kulong nalang sa kwarto minsan rin ay tumatakas ito tuwing biyernes ng gabi para makapanood sya ng mga pacontest sa kanilang bayan.






"Rinig ko ing bali-balita keka," Wika ng kanyang Lola sa gitna ng kanilang pag-hahapunan.






Natawa sya dahil alam naman nyang may pakpak ang balita. At isa pa ay yung kanyang pagsasalita na pinaghahalo ang Tagalog at kapampangan. Tinignan sya ng mataimtim ng kanyang Lola kaya wala syang magawa kundi ang magsalita.






Napabuntong hininga sya bago nagsalita. "Ayos lang ako nay, di ko lang tanggap na bakit may kakayahan akong ganito."






"Maswerte ka apo, binigyan ka ng bagay na wala sa iba. Kaya wag mong pang-hinayaan iyan."




"Pero nay, pinapahamak ako ng kakayahan kong ito," Depensa nya.






FINDING A GHOST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon