"Bakit ang tahimik mo?" Kaagad na tanong ko kay Kaszie pagkalabas ng prof. Kanina pa sya tahimik. At pansin ko ring wala sya sa sarili nya. Kung hindi ko pa sya kinalabit ay hindi sya matatauhan. "What Happened?" Tanong ko. Umiling ito at isinakbit ang shoulder bag nya at walang pasabing umalis.
'Anong problema non?'
Mabilis na kinuha ko ang bag ko at kaagarang lumabas ng room. Nakita ko sya sa corridor na papaliko na kung saan patungo ang likod ng campus. Tumakbo ako para habulin sya.
Kahit alam kong kailangan nyang mag-isa sa kahit na anong problemang mayroon sya ay hindi ko kayang makita syang ganito. Kahit na ipagtabuyan nya ako ay handa akong maging kandungan nya. Nung panahong ako ang may kailangan ay nasa tabi ko lang sya. Kahit na sinasabihan ko na sya ng masasakit na salita ay hindi parin nya ako nilubayan. Tinabihan at pinagaan pa nya ang pakiramdam ko.
Pagkarating sa likod ay nakita ko sya sa gilid ng puno. Tulala. Ang lalim ng iniisip nya. Naawa ako sa kanya. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin ang problema mo ng may karamay ka. Nasasaktan akong makita ka ng ganyan.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Tiyak kong hindi nya ako napapansin dahil hindi parin sya gumagalaw o kumukurap man lang. Tumabi akong umupo sa kanya sa malaking ligaw na ugat. At doon palang nya ako nilingon.
"Tell me.." Nagsusumamong sabi ko sa kanya. Tinignan ko sya sa mata para makita nya ang sincerity ko. "I'm your best friend Kaszie. Don't be selfish. Spit it out Kaszie. Handa akong makinig para sayo."
Tumingin ito sa akin na naluluha na. Mas lalo akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang dalawang kamay nya. Tumango ako sa kanya at ng dahil don ay napahagulhol na sya. Malibis ko namang kinapa ang panyo sa bulsa ng palda ko para may pampunas sya sa likidong inilabas ng mata nya.
"A-ang tagal ko syang hinintay Zumi..." Umiiyak na sabi nito. "Ang tagal kong umasa para sa kanya. Ang tagal kong nagpakatanga para sa kanya. Ang tagal kong nagpakahirap para sa pag-uwi nya dito. Ang tagal... Ang tagal nyang nanatili rito sa puso ko... Mahal ko sya pero bat ganon sya?" Himihikbi na nitong sabi.
Kahit hindi ko tanungin ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nya. It was James. Sya ang nobyo nya na mag-iisang taon na sa amerika. Mag-iisang taon narin sila bukas. Alam ko ang date ng monthsary nila. Dahil napaka-open sa akin ni Kaszie. Halos yata ng nangyari sa buhay nya ay alam ko, dahil simpleng bagay lang ay pinapaalam nya kaagad sa akin.
"Don't tell me he's back?" Tanong ko. Tumango na man ito. Binitiwan ko ang kamay nya at bagot syang tinignan. "Anong ini-emo-emo mo dyan? You should to be happy because his back—"
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...