MAGANDA KA
NAPAKALAWAK ng hardin. Pagkapasok na pagkapasok ay ito ang bubungad sayo. Napakaganda ng pagkakatubo ng mga iba't ibang bulalak na sa bawat sulok na hindi kalayuan sa pader ay doon nakatubo ang matatayog na mga puno. Ang daan ay pabilog at isang daan na paderetso kung saan patungo ang isang bukana na hindi mo masisilayan kung anong nasa loob.
"Ang Ganda rito..." Bulalas ko. Malaking ngiti ko silang pinagmamasdan habang pasunod kay Drew na tahimik lang naglalakad.
Ng makarating kami sa bukana ay isang maliit lang na bahay ang bumungad. Simple lang ito pero napakaganda. Pinasok namin ang loob niyon at magandang babae ang bumungad sa amin.
"O, Drew—" Natigilan ito ng makita nya ako.
"Sino yang babaeng yan Andrew?!" Isang magandang babae na nanggaling sa isang hagdan.
Kung hindi ako nagkakamali ay galing ito sa ilalim dahil paakyat itong bumungad sa amin. May underground House sila? Edi wow. Nakataas ang isang kilay ng matanda at pinasadaan ang kabuuan ko.
"Yan na ba ang pinagmamalaki mo at sinaway mo ako?!" Tanong nito kay Drew.
"La," Nanunuyong sambit ni Drew. "Kaibigan ko lang—"
Pareho kaming natigilan ng biglaan nalang dumugpa ang palad ng magandang binibini sa pisngi ni Drew. Nanunubig ang mga mata nito.
"You Deserve that," May pagkadiing sabi ng babae.
"N-Nihcole..."
""I love you Andrew but it does not mean, that you can hurt me like this. A-alam kong matagal mo ng sinusubaybayan ang babaeng nasa likod mo. Oo! Kahit saan ka nagpupunta ay nasa likod mo lang ko. H-hindi ko na kaya ang ganito." Tuluyan ng humagulhol si Nihcole at mabilis syang tumakbo pababa ng hagdan kung saan nagmula ang matanda.
Natahimik kami. Bakit ako nadamay rito? Ni hindi ko man nga lang sila kilala e, maliban sa pangalan nila. Kasalanan il lahat nito ng lalaking nasa harapan ko. Kung hindi nya ako sinama rito ay sana nag-eemote nalang ako sa amin at dinadamdam ang mga nangyari. Pero ayos lang dahil nalaman kong mayroon palang ganitong lugar na walang kasing ganda.
"Fix your mess, Andrew" Maotoridad na sambit ng matanda bago kami tinalikuran.
Bumuntong hininga ng paulit ulit si Drew bago ako binalingan at hinila ako sabay kulong sa dalawang braso nya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa ginagawa namin ngayon. Niyayakap ako ni Drew. Ang Gwapo at may Magandang katawan ay niyayakap ako.
"Tara," Sabi nito. Hindi ako nakapag- response. Hinila nya ako at dinala sa ilalim ng hagdan. Bumaba kami at napakaaliwas ng ground nila. May isa pang hagdan sa gitna at iyon ay normal lang na papuntang taas. Muli kaming dumaan sa isang hagdan kung saang pataas naman. Anim na pintong magkabilaan ang nadaanan namin bago ang tatlong hakbang lang na hagdan at may nag-iisang pinto roon. Binuksan nya ang pinto at pumasok sya roon.
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...