A/N: Mas magandang sabayan ng kanta
---------------------------------------------------------
I LOVE YOU, NO MATTER WHAT
PUNO NG TENSYON ang humagaan ngayon. Tahimik kaming lahat na nag-aalmusal sa mahabang lamesa. Katabi ko si Drew at kaharap ko naman si Nihcole na sa tabi nya ay si Donya Margarette.
Ayaw ko mang makisalo sa kanila ay dahil nahihiya ako kung tatanggian ko ang anyaya ni Drew sa akin. Hindi naging maayos ang pagkain ko. Naging malamya ang pagsubo ko at pilit na nag-iingat sa bawat pagsubo at pagnguya ko dahil natatakot ako na may mahulog na kahit isang butil ng pagkain.
"Tapos na kaming Kumain ni Zumi," Malamig na sambit ni Drew.
Kahit hindi pa ako tapos ay napatayo n rin ako ng hawakan nya ang braso ko. Yumuko ako sa harap ng Donya, at nagpasalamat sa kanilang dalawa bago ako nagpatangay kay Drew.
"Hindi pa ako tapos kumain", Singhal ko sa kanya ng makapasok kami sa kotse nya. "Ang sarap pa naman ng pancake nyo pati na rin yung syrup nya",
"Ibibili na lang kita. Kailangan mo ng umuwi baka mag-alala sayo ang mga magulang mo."
Oo nga pala. Kahit na paniguradong nag-aalala na ang pamilya ko hindi ko lang alam kung pati si Kuya. Pero kahit na ganon ay mahal ko parin sya at nanatili parin ang respeto ko sa kanya.
"Dyan na lang," Wika ko ng nasa gate na kami ng Village. Huminto sya sa gilid at unang lumabas bago umikot papunta sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.
'Gentleman..'
"Mauna na ako sayo," Sabi ko.
"See you around, Ingat ka." Sabi nito.
Kinawayan ko pa sya bago ako tumalikod sa kanya. Nakikita ko sa sarili nya na may mabait itong kalooban. Bastos nga lang pag minsan pero alam kong matino ito. Moody nga lang. Pasumpong sumpong. Minsan ay napakakulit at nakakainis rin pero madalas rin ay bumabait ang mokong.
"Zusumi..." Boses na nagpatigil sa akin.
Bumalik lahat ng sakit at galit sa dibdib ko na panandalian kong nakalimutan. Hwag muna ngayon. Hindi pa ako Handa na harapin ang katotohanan. Ayoko ko pang marinig ang katotohanan mula sa kanya. Di ko kakayanin.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Pero ang malamig na braso nya ang nagpatigil sa akin. Ikinulong nya ako sa dalawang braso nya. Hindi ako gumalaw o nagreact man lang. Ayokong may makakita sa akin na nagsasalita akong mag-isa.
"Patawarin mo ako..." Pagsusumamo nito.
"Bitiwan mo ako, hindi kita kilala at hindi ako espiritista na nangungusap sa mga kaluluwang katulad mo!" Puno ng pagtitimping bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...