She's not just my Girlfriend
DAHAN DAHAN itong lumingon na nakangiti pero agad ding napawi ng makita nya ako. Tumayo sya mula sa pagkakakandong sa lalaki. Pinaymewangan nya ako sabay taas ng isang kilay nya.
"Hwag Zumi.. Tandaan mo, sa kanya nakasalalay ang scholar mo. Hindi magdadalawang isip na paalisin ka dito." Nai-hysterical na bulong sa akin ni Kaszie. Pinasadaan ko lang sya ng tingin at inalis ang pagkaka-hawak nya sa braso ko.
Umiling ako sa kanya bago lumapit kay Hairah. Hindi na ako nagdalawang isip na sampalin sya. Nagulat lahat ng mga nakakita sa ginawa ko. Lalo na si Kaszie na hindi malaman ang kanyang gagawin.
"Ibinalik ko lang ang pinahiram mong sampal sa akin kanina," Nagtitimpi ang boses na sabi ko.
"How dare you—" Hindi pa natatapos ang sasabihin nya ng muli ko syang sinampal. At mas lalong umingay dahil pinagbubulungan na kami.
"Para yan sa pangloloko mo sa tangang kapatid ko."
Dumako ang paningin ko sa kung saan sila nakaupo kanina para tignan ang lalaking kalandian nya ngunit wala na ito. Walang kwenta!
"Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!" Sigaw nya at akmang sasampalin ako pero nahawakan ko ang braso nya at ako ang sumampal sa kanya.
"Para yan sa lahat ng kinalantari mo!" Sigaw ko at ng akmang sasampalin ko na naman sya ng may kamay ng pumigil sa akin at ibinagsak iyon ng malakas kaya muntik na akong nasubsob paatras.
"Enough Suzumi!" Galit na sigaw ni Kuya Zuji na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"K-kuya Zuji..." Nanunubig ang matang sambit ko.
"Baby..." Umiiyak na sabi ni Hairah at isinubsob ang mukha nya sa dibdib ni kuya. "Did you see what Zumi did to me?" Pahikbi hikbing sabi nito. "She slapped and She pulled my hair."
Ang galing umarte ng bruha.... did I pulled her hair? T*ngna! Mag back read nga kayo kung may mababasa kayong sinabunutan ko sya,
"Kuya..." Muling tawag ko. Ngunit nanlumo ako ng samaan nya ako ng tingin at niyakap hairah habang sinasabihan ng comfort word.
"Say sorry to her." Maotoridad na Utas ni Kuya Zuji.
Ang unfair talaga ng mundo. Hello? Kapatid nya ako. Kapatid!
Kahit labag sa kalooban ko ay humingi ako ng tawad na nakatingin kay kuya. Hindi ko babalakan na humingi ng tawad sa babaeng yan. She deserves that.
"Mag-usap tayo sa bahay." Wika ni kuya at inakay na nya ang malanding Hairah.
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Teen FictionShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...