CHAPTER 16: Kung Kelan Mahal na kita

29 4 4
                                    

***


Hindi na ako nag-abalang nag-almusal at tumungo na agad ako sa eskwelahan. Alam kong isasabay naman ni kuya si Zuki kaya hindi na ako nag-abala pang isabay sya. Masyado pang sariwa ang sunod sunod na pangyayari kahapon.

Naging tahimik ako buong magdamag. Kaunti lang ang naisagot ko ng tama sa exam namin. Hindi ako nakapag- reviewed sa unang subject kaya sigurado akong bagsak ako neto.

Mabilis akong lumabas ng tumunog na ang hudyat para sa uwian. Nadinig kong tinawag ako ni Kaszie pero hindi ko na sya pinansin.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko kahit na anong pagtimpi ko. Ayokong sirain nya ang buhay ko. Nanggalaiti na ako sa galit at nararamdaman ko na ang sakit sa aking palad dahil sa pagbaon ng kuko ko doon. Masyadong mahigpit ang pagkakayukom ng kamay ko dahil gusto kong umiyak sa sobrang galit na parang ano mang oras ay magiging criminal na ako.

"Huminahon ka, Zumi..." Bulong sa akin ni Kaszie. Hindi ko sya pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa kanya. Masyado na akong puno para palagpasin pa ang lahat. Kung hindi sya nakukuntento sa salitaan ay sa physical-an na ang kailangan para mapatahimik na ang bruha. Nanginginig ako. Gusto ko ng sumabog ang nasa loob ko.

Hindi pa man ako nakaklapit sa kanya ay nakita na nya ako. Kaagad na sumilay sa kanya ang malaking ngisi at pataray akong minataan.

"Hi, Zumi..." Bati nito. " Do you know that I am envious of you? dahil nagviral ang vid mo ng walang kaeffort effort?" May pagkasarkastiko ang pagsabi nito. Sinamaan ko lang sya ng tingin at pilit na pinakakalma ang sarili ko. " What's with your face? You should to be happy because you're now famous," Pagkasabi nito ay tumawa ito na nagpairita sa pandinig ko lalo pa ang Bulong bulongan sa paligid.

Sige pa. Sige pa punuin mo pa ako Hairah. Hindi ko magdadalawang isip na isubsob ang mukha mo sa kinatatayuan mo.

"Why are you crying? Stop crying you look like an ugly insane girl." Wika nito at muling umingay ang paligid. "Nagsisimula palang ako Suzumi Han Cheng. Hwag ka munang umiyak dahil patikim palang yan e,"

Napahawak ako sa pisngi ko at nasalat kong basa nga ito. Ang hina ko. Bakit ko hinayaang tumulo ang luha ko sa harap nya? Ganon ba ako kadali matalo at kahina ng loob at sa salita palang nya ay napapaiyak na ako?

Napabuga ako ng malalim na hininga at taas noo ko syang tinignan. Mata sa mata kaming nagkatitigan.

"Napakakapal ng mukha mo! Gusto mo ng away?! Hintayin mo ang akin, sisiguraduhin kong magsisisi ka sa mga pinanggagawa mo." Giit ko.

"Oh, Should I be scared?"

"Binalaan kita Hairah, Ikaw ang nagsimula ng lahat kaya ako na ang mag-eeffort para tapusin ito."

FINDING A GHOST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon