WAR
"Bakit ba kasi ayaw mo maging isa sa mga babae ko? Ayaw mo non maipagmamalaki mo ang isang Toriel Miguel ay syang naging First Boyfriend mo. Alam ko namang gusto mo ako pakipot ka lang."
Kanina pa ako Inis na Inis sa lalaking to. Pagkadako ko palang sa gate ng school ay natuko na agad sya sa akin. Oo na, gwapo sya pero hindi iyon lisensya para makuha lahat ng gusto nya. Ang kapal lang ng hapog nya. Gusto nyang maging isa ako sa mga babae nya dito sa campus? Hello, Hindi ako easy to get o kahit na maghandusay pa sya dyan ay hindi ako papatol sa babaerong katulad nya.
Huminto ako at masamang tingin ko syang binalingan. "First of all. Hindi ako interesado sa isang katulad mo. Pangalawa Wala ako pakiealam kung Heartthrob ka pa dito sa school o kung napakagwapo mo pa. Pangatlo, Tantanan mo ako dahil kanina pa kating kati tong kamay ko. If I were you lumayo kana bago pa masira yang pinagmamalaki mong mukha." Banas ng sabi ko at tinalikuran sya.
"Luma na sa akin ang ganyang reaksyon. Alam ko namang may sariling lenggwahe kayong mga babae. Kapag sinabing ayaw mo ay gusto mo. Lahat ng sinasabi nyo ay kabaliktaran ng nasa loob nyo." Sabi nito at pinagsiksikan ang sarili nya sa akin. Lahat ng mga studyanteng nakakakita sa amin ay pinagbubulungan kami.
Bumuga ako ng malalim na hininga at walang pasabing itinaas ang kanang kamay ko para sampalin sya. Ngunit ng isang dangkal na lang ang layo ay may pumigil sa akin at naramdaman ko nalang ang kaliwang pisngi ko na humapdi.
"Don't you dare to touch my boyfriend." Maotoridad na sambit ng magandang binibini.
"H-hairah" Usal ko habang himas himas ko ang pisngi ko.
Ano raw? B-boyfriend nya si Toriel? Ang lande...
Ang isang Hairah Shin Aguilto, ay syang kaisa isang anak ng nagmamay-ari ng eskwelahang kinatatayuan ko at sya rin ang dyosa ng eskwelahan na to. Pareho sila ni toriel na di nakukuntento sa isang tao lang! Bagay nga sila. No ones dare na lumaban sa kanya. Dahil takot sila na umuwing dala dala ang transfery Card nila.
"Honey Hairah.." Lambing ni Toriel. At hinalikan ito sa labi.
Napaiwas naman kaagad ako ng tingin sakanila. Akala ko ba bawal maglandian sa campus?! Da heck!
PDA, MY VIRGIN EYES...
Inirapan ko sila at nagpatuloy na sa paglalakad pero muling tinawag ni Hairah ang pangalan ko. "Kilalanin mo muna, lalandiin mo para di ka masampal okay?" Sabi nito at tinalikuran na nila ako.
Napabuga nalang ako ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad habang himas himas ang pisnging nasampal.
Huminto ako ng makita ko si kaszie"You okay? Bakit namumula yang pisngi mo? Sinaktan ka ba ng lalaking yon? Nasan sya? Makakatikim talaga sa akin yan—" Hinila ko kaagad ang kanyang braso bago pa magawa
"You're exaggerating Kaszie," Sambit ko at hinila sya papasok sa loob ng room. "Paano mo pala nalaman?"Tanong ko ng makaupo na kami.
Ang bilis naman ng balita? Kagaganap palang parang alam na lahat ng buong campus. Malay nyo nakalabas pa ito sa buong mundo.
" Kanino pa ba? Dyan sa baklang bakla." Patukoy nya sa nag-iisang bakla rito sa klase si Roel o tawagin daw naming Ro-ann. Ang Arte lang ng bakla.
"Napakachismoso talaga." Sabi ko at umayos na ng upo dahil pumasok na ang aming guro.
Nakanig lang kami sa discussion ni Sir Alvarez. Ang daming Secreto ng lalaking to. Ni pangalan nya nga ay hindi namin alam. Nag tanong na kami sa mga ibang guro ngunit Secreto raw iyon. Hinanap namin sa mga bulletin board sa office kung saan nakalagay ang mga ID nila pero Alvarez lang ang nakalagay. Pero hindi ko alam kung ako lang bang studyante ang nakakaalam sa totoong pangalan nya o may iba pa na katulad kong isinasantabi lang.
'Alfredo Lucio Alvarez Aguilto'
Yan ang totoong pangalan nya. Aguilto ang apelyido nya hindi Alvarez. Nalaman ko yan ng utusan nya akong ilagay sa ang mga dukomento nya sa stock room. At sya rin ang nagmamay-ari ng eskwelahan nato. Sya ang principal. Sya ang tatay ni Hairah Shin Aguilto.
Alam kong masyadong mapang-himasok ang mga nalaman ko kaya isinantabi ko na lang iyon. Wala akong karapatan para pangunahan sya. Baka may gusto syang gawin o talikuran o kung ano pang dahilan na hindi ko na Kailangang malaman. Masyado na akong na-guilty sa mga nalaman ko kahit na aksidente o di ko ginusto.
"Hey, Girl." Napabaling ako kay Kaszie ng kinalabit nya ako. "Ang lalim ng iniisip mo. Pasalamat ka maaga tayong nadismissed kung hindi maririnig mo na naman ang GET OUT THE ROOM ni Mr. Alvarez"
Napabuga nalang ako ng hangin dahil lagi nalang lumilipad sa kawalan tong isip ko. Hindi makapag-focus sa mga bagay bagay.
"Tara.." Yaya ko sa kanya at mabilis na lumabas ng room.
"Hoy Sandali," Dinig kong sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin. "Uuwi ka na? Gala muna tayo." Hinihingal na sabi nya habang pinapantayan ang aking paglalakad.
"Hindi." Kaagarang sagot ko. "Isasauli ko lang sampal na binigay sa akin ng malanding Hairah na yon."
Ang kapal lang ng mukha nyang lokohin ang kapatid ko. Akala ko nagbago na sya. Ang kapal lang ng mukha na makipaglandian sa harap ko! At sya pa ang may ganang sampalin ako. Tanong ko lang may ikakapal pa ba sa hiya nya?! Nakakagaliiti lang ha? Nanggigil akong bigyan sya ng mag-asawang sampal at ipatikim sa kanya ang lasa ng sahig na kinatatayuan nya. Galit ako! Galit ako!
Tumigil ako ng makita ko sya sa batibot na nakikipag-harutan sa lalaki nya. Ang lande lang dahil iba na naman ang kasama nya.
"Hairah!"
BINABASA MO ANG
FINDING A GHOST (COMPLETED)
Ficção AdolescenteShe's Not scared in anythings, or anypersons that doesn't Exist. Maraming nagsasabi sa kanyang totoo ang mga multo o ligaw na kaluluwa. Pero hindi parin sya naniniwala kahit na sariling pamilya na nya ang nagsasabi. Sa kadesperaduhan, She Challenged...