I Dedicate my stories to the writers who inspired me to write :)
#1 ; To Ate Alyloony -- The writer whose story (BTCHO --my ever favorite story) inspired me to write my thoughts and ideas here in Wattpad. God Bless you Ate Aly! :)
Note: I didn't didecated this chapter to Ate Aly to para mapansin ng mga tao 'tong story ko. I just wanna show my gratitude to the writers ^_^
> Chapter I <
2 MONTHS AGO
I was carrying my things as I entered our house. Actually , kakalipat lang namin ngayon dito sa subdivision kung saan bumili si Papa ng bagong bahay.
“Shannelle ,kunin mo yung ibang gamit ko mula sa kotse.” Utos sakin ni Ate Beatrice na agad ko namang sinunod.By the way, she’s my stepsister. Matanda siya sakin ng isang taon pero pareho kaming nasa 4th year highschool ngayon kasi advance ako nang isang taon.
My parents are separated and Papa has decided to find a new love . Hindi naman ako tutol sa relasyon nila ni Tita Melissa pero hanggang ngayon sinusubukan ko pa ring masanay na tutal mag-iisang taon na rin naman sina Papa at Tita at nakatira pa kami sa iisang bahay although hindi pa sila kasal kasi hindi pa anull ang kasal sina Mama at Papa.
And my Mother’s currently working at abroad.
Habang kinukuha ko ang mga gamit ni Ate na puro lang naman palamga papel ay biglang nilipad ng hangin yung isang papel papunta sa kabila.
Napakamot ako ng ulo. “Hay naku.” Inilagay ko muna sa tabi yung ibang gamit ni Ate saka tumawid, at dahil subdivision naman ‘tong nilipatan namin ay wala namang masyadong ga sasakyan ang dumadaan sa daan.
Pinulot ko yung papel . Birth certificate pala ni Ate. Binasa ko iyon habang tumatawid ng biglang . . .
Toooot!
“Ay kabayo!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kotseng mabilis na papalapit sakin. Parang nablangko ang isipan ko at hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.
Namalayan ko na lang na huminto na pala yung kotse sa harap ko at bumaba yung lalaking driver nito.
“Miss magpapakamatay ka ba?!” sigaw ng lalaki habang papalapit sakin.
Aba ako pa ngayon ang may kasalanan ah.
“Eh ikaw nga ‘tong mabilis magpatakbo ng sasakyan! Hindi mo ba alam na subdivision ‘to? Hindi ka dapat nagpapatakbo ng mabilis ng kotse mo.” Sagot ko naman.
Kumunot ang noo ko nang ilang sandaling hindi nagsalita ang lalaki habang nakatingin lang sakin.
“Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong ko sa kanya.
“Ha?” tila nahimasmasan siya nang magsalita ako, “Wala namang nagsasabing bawal magpatakbo ng mabilis dito eh.” Sabi niya saka kampanteng sumandal sa kotse niya.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.Kung sa ibang pagkakataon ay baka nasabi ko pang gwapo sana siya pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung mayabang at walang modo.
Di ba dapat ay humihingi na siya ng pasensya sa ginawa niya? Muntik niya na kaya akong masagasaan!
“Alam mo, wala kang modo.” Sabi ko saka tinalikuran siya at naglakad.
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Teen FictionSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...