>Chapter 8<
Shannelle Ramirez
Ilang oras na akong nakahiga sa kama ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagdating ko sa bahay kanina ay wala rin akong gana kumain kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Dahil sa kawalan ng gagawin ay tinitigan ko na lang yung kisame nang biglang nag-flashback sa isip ko ang nangyari kanina sa laboratory. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung gaano kalapit ang mukha namin ni Sherwin sa isa’t-isa.
Waaah! Di ko na ‘to kaya!
Napabalikwas ako ng bangon at tumakbo papuntang c.r ng kwarto ko. Agad akong naghilamos.
Erase! Erase! Erase!
Ano ka ba Shannelle?! Bakit ba ang hirap mong makalimot?
Paglabas ko ng c.r ay bumukas naman ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Tita Melissa.
“Alam mo ba kung nasaan na si Beatrice?” tanong niya sakin.
“Hindi po. Hindi ko rin siya nakikita kanina noong pauwi na ko galing school. Di pa rin po ba siya dumarating?” sabi ko habang pinupunasan ng towel ang mukha ko.
“Hindi pa. Hindi ko rin siya ma-contact. Pwede mo ba siyang hanapin?” sabi ni Tita habang tina-try na tawagan ang cellphone ni Ate.
“Uhm . . . Sige po. Magbibihis lang po ako.” Sabi ko.
Tumango si Tita Melissa at lumabas na ng kwarto ko.
Napapadalas na ang pag-uwi nang gabi ni Ate Beatrice. Wala rin akong ideya kung saan siya pumupunta. Walang sariling kotse si Ate kaya isa lang ang nasisiguro ko , kasama niya yung mga kaibigan niya. Akala ko noong una ay nagsho-shopping lang sila o kaya ay nasa bahay lang ng isa sa mga kaibigan niya pero nung isang gabi ay nakita ko siyang lumabas sa isang bar noong minsang mapadaan ako doon habang pauwi. Hindi ko lang sigurado kung nandun na naman siya sa bar na yun ngayon.
Pagkatapos kong magbihis ay biglang tumunog yung cellphone ko. Nang tignan ko ay pangalan ni ate ang naka-register kaya agad ko iyong sinagot.
“Hello ate? Nasan ka na?” nag-aalalang tanong ko. Nasa bar nga yata sina ate kasi ang ingay sa kabilang linya , dinig ko rin yung music.
“Hello. Ikaw ba si Shannelle?”
Nagtaka ako nang imbas na si ate ang sumagot ay boses ng lalaki ang narinig ko.
“Oo , bakit?” kinakabahan na tanong ko.
“Sunduin mo daw si Beatrice dito sa The Bar.” Yun lang ang sabi ng lalaki saka pinatayan ako.
Dali-dali akong umalis ng bahay. Dahil hindi ko na nakita ang driver namin ay sumakay na lang ako ng taxi at bumaba sa binanggit ng lalaki na The Bar.
Habang papasok ng bar ay meron akong nakakasalubong na mga teenagers tulad ko, yung iba schoolmates ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makarating na ako sa loob. Maliban sa mga sumasayaw habang may hawak na mga wine glass ay meron ring mga naghahalikan kahit saan ako tumingin. Ano bang klaseng bar ‘to? Bakit hinahayaan lang nila ang mga teenagers ?
Nilibot ko ang bar habang hinahanap si Ate. Nasaan na kaya yun? Alam kong malaki ang pagkakaiba namin ni ate Beatrice pero di ko inaasahan na pupunta siya sa ganitong klaseng lugar.
“Miss , ikaw ba si Shannelle na kapatid ni Beatrice?” isang lalaki ang nagtanong sakin, may kasama siyang dalawa pang lalaki. Marahil siya yung nakausap ko kanina sa cellphone.
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Fiksi RemajaSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...