V-card 2

2.1K 26 2
                                    

#2 : To Ate Denny - The writer whose stories I read we're very inspiring. Her stories has lessons about life :)

Here's the Chapter 2! Enjoy Reading!

******************************************************************************************************

Chapter 2

Shannelle’s POV

Nasaan na kaya yung I.D ko?

Kanina ko pa yun hinahanap pero hindi ko pa rin makita, nakaipit lang yun sa mga libro ko eh. Teka , baka nandun lang yun sa tapat nang basketbal court! Nalaglag ko kasi kanina yung mga books ko doon nang magmadali akong pumunta ng Principal’s office.Babalikan ko na lang yun mamaya dun. Pinatawag kasi ako para kunin ang bago kong schedule sa klase.

Kapag transferee ka kasi may idadagdag silang dalawang additional subjects sa schedule mo. Ewan ko nga kung para saan yun, basta kailangan daw yun lalo na’t 4th year highschool na ko . Kakaiba rin ang school na ‘to kasi yung 4th year highschools ay may iba-ibang schedule every subjects parang katulad ng college.  Sina Tommy at Ashley naman ay halos kaklase ko sa lahat ng subjects except sa P.E.

“Bukas na magsisimula ang bagong schedule mo, Ms.Ramirez.”  sabi sakin ni Mrs.Domingo , Vice Principal.

“Yes Ma’am.” Sabi ko saka umalis. Hahanapin ko pa yung I.D ko sa tapat ng court.

Pero nang hanapin ko naman iyon sa doon ay hindi ko nakita. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang mga studyate dahil halos gumapang na ko sa sahig sa kahahanap. Makaalis na nga lang dito, magtatanong na lang ako sa Lost & Found sa school .

Akmang aalis na ko nang may magsalita mula sa likuran ko.

“I believe this I.D is yours.”

Napalingon ako nang marinig ang salitang I.D.

O___O

Sa lahat  ng taong pwedeng makapulot sa I.D ko bakit siya pa?! Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hinding-hindi ko talaga makalimutan ang nakita ko kanina sa C.R.

Yumuko ako ng konti.”That’s mine. Thank you.”

I know this is impossible, pero sana ay hindi niya natandaan na ako yung nakakita sa kanila ni Joanna kanina sa loob ng C.R.

Nang kukunin ko na mula sa kamay niya yung I.D ko ay bigla niya itong inilayo.

“Hey!” I tried to get it from him again but the more I reach for it the more he withdraws. Ano bang problema niya?

“Sherwin! Dalian mo na! Naiinip na si Vice Principal!”

Pareho kaming natigil sa pag-aagawan nang may sumigaw. Siguro isa sa mga kaibigan ng lalaking to.

“Tsk.Papunta na ko!” sabi ni Sherwin.

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay kong umaabot sa I.D saka nakipag-shake hands sakin. Isinuot niya rin sakin ang I.D ko.

Ako naman ay parang natulala. Medyo lumapit kasi yung mukha niya sakin.

“Nice meeting you Shannelle.” Nakangiting sabi niya saka tumakbo papunta sa mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya sa di kalayuan.

Ang gwapo niya . . .

Huh?! Ano ba tong pinagsasabi ko. Erase! Erase!

Buti pa balikan ko na lang sina Ash at Tommy sa Library.

The V-Card Bet [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon