>Chapter 5 <
Shannelle Ramirez
“Guys , handa na ba lahat?” tanong ni Ashley sa buong organizing committee. Kalahating oras na lang kasi ay magsisimula na ang program na in-organize namin.
“Ready na , Ms.Pres!” sagot ng ilan naming mga kasamahan kay Ashley.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Nakaayos na lahat ng props na gagamitin pati na rin yung designs perpekto na. Halos si Ashley ang nag-isip na lahat ng design at buong concept ng program na ito. Gusto niyang perfect yung foundation day ng school kasi gagraduate na daw siya at last year na daw niya dito kaya gusto niyang perpekto ang lahat.
“Ashley! Hindi makakarating si Bessie!” sabi ng isang kasamahan namin na si Shirley na kakarating lang. Si Bessie yung isa sa mga magper-perform sa program , kakanta siya sa isang interpretative dance habang ako naman ang tutugtog ng piano.
“Ano?! Bakit?!”
“Hindi ko alam, pero tumawag siya sakin kanina na hindi raw siya makakarating nang tanungin ko ay binabaan niya ako. I tried to call her again but she’s out of reach.” paliwanag ni Shirley.
Napahawak si Ashley sa sentido niya, siguradong malaking problema ‘to. Hindi rin kami pwedeng kumuha ng kung sinong singer lang kasi composition ni Kyle yung dapat kakantahin ni Bessie at pinraktis namin iyon ng ilang araw.
“Ano na ang gagawin natin ngayon?” Yan ang naririnig kong sabi ng bawat isa sa paligid. Siguradong lahat ay dissapointed dahil mukhang masisira pa yung isang production number na pinaghirapan ng lahat.
“May alam akong maganda ang boses at alam kong paano kakantahin yung kanta!!”
Napatingin kaming lahat sa kasamahan naming si Clark na nagsalita. Kahit papaano ay nakahinga kaming lahat ng maluwag sa sinabi niya kahit parang impossible naman kasi Ako , Si Bessie at si Kyle lang yung alam kong nakakaalam nung kanta.
“Sino?” sabik na tanong ni Ashley sa kanya.
“Siya!” itinuro niya ang tinutukoy niya kanina.
Napatingin sakin ang lahat.
Teka, bakit ako?
Tinitigan kong mabuti ang hintuturo ni Clark kung saan nakaturo. Sa akin nga.
“H-Ha? Bakit sakin ka nakaturo?” tanong ko sa kanya.
“Dahil ikaw ang tinutukoy ko.” Sagot niya.
“Bakit ako?” balik-tanong ko.
“Dahil habang nag-eensayo ka nang mag-isa ay narinig kitang kinanta mo yung kanta. Maganda ang boses mo , Shan. Bakit hindi na lang ikaw ang pumalit kay Bessie?” sabi ni Clark.
“Oo nga.”sang-ayon ng lahat. Si Ashley naman ay todo ang ngiti na nakatingin sakin.
Napalunok ako. Mukhang wala na akong choice.
Sherwin Alcaraz
“Boring naman dito.” Reklamo ni Carlo habang nanunuod kami ng Foundation day program ng school.
“Labas tayo.” Aya ko sa kanila. Hindi ko talaga type ang ganitong mga events , kadalasan ay lumalabas kaming tatlo kapag may program sa school , masyado kasi yung boring.
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Teen FictionSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...