>Chapter 10<
>Shannelle Ramirez<
Pagkatapos ng mga nangyari ay hindi na ako pumasok pa sa mga klase ko nang araw na iyon , umuwi na lamang ako sa bahay. Nagpumilit si Sherwin na ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako. Gusto kong mapag-isa at makapag-isip. Masyado nang maraming nangyari sakin at parang sasabog na ang utak ko sa kaiisip. Buti na lang ay Sabado kinabukasan kaya nagkulong lang ako sa kwarto ko buong araw.
Papasok pa ba ako sa lunes? Siguradong ako na naman ang topic ng lahat sa school.
“Anak , wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi at inaasal sa’yo ng ibang tao.Hindi mo sila kailangan para mabuhay sa mundo.”
Naalala ko yung sinabi sakin ni Mama noon.Kahit papano ay lumakas yung loob ko. Papasok na ako sa lunes. Bahala na sila kung anuman ang isipin nila tungkol sakin.
Teka nga pala , paano si Sherwin?
Argh, Naalala ko na naman yung dalawang beses na paghalik niya sakin. Waaah! First kiss ko kaya yun! Malay ko ba baka nloloko niya lang ako , cassanova kaya yun. Hmm . . . bahala na nga. Sa susunod ko na lang siguro yung poproblemahin.
Lunes
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay pinagtitinginan na ako ng mga istudyanteng nakakita sakin. Hindi ko na lang sila papansinin. Papunta na ako sa first perios class ko nang makasalubong ko sina Ashley at Tommy na papatakbo papunta sakin.
“Naku girl kanina ka pa namin hinahanap!” hapong-hapo na sabi ni Tommy.
“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ko.
“Pinapatawag ka ni Vice Principal.” Pabulong na sabi ni Asley. Ayaw niya sigurong marinig iyon ng iba kasi siguradong madadagdagan na naman ang pagchichismisan ng mga tao sa campus.
“Ano daw ang kailangan sakin?” tanong ko.
“Ewan. Basta punta ka na lang daw dun.” Sagot ni Ashley.
Hinatid ako nina Tommy at Ashley hanggang sa labas ng Principal’s Office.
“Goodluck sa’yo ,sister.” Sabi ni Tommy na mas kinakabahan pa yata kesa sakin.
“Hintayin ka namin dito sa labas.” Sabi ni Ashley. Tumango ako at pumasok na sa loob.
“Mabuti at nandito ka na , Ms.Ramirez.” bungad sakin ni Mrs.Domingo , ang Vice Principal.
“Good morning po , ma’am.” Kinakabahang bati ko. First time kong mapatawag sa Principal’s office at wala pa akong kaalam-alam kung bakit.
“Maupo ka doon , Miss Ramirez.” Sabi ni Mrs.Domingo na tinuro kung saan ako uupo na katabi rin pala ni Sherwin. Ano kayang ginagawa niya dito? Pinatawag rin kaya siya? Sandaling nagtama ang aming mga mata pero agad naman akong yumuko at tahimik na umupo sa tabi niya sa sofa.
“I assume meron kayong idea kung bakit ko kayo pinatawag dito ngayon?” tanong ni Mrs.Domingo. Iiling pa sana ako nang bigla niyang i-on ang T.V na nakalagay sa corner ng room gamit ang remote. Lumabas doon na isang pamilyar na eksena noong isang araw na halatang kuha ng isang CCTV camera.
Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay uminit ang buong mukha ko sa aking nakita. Ito yung nangyari sa Laboratory last day na kung sann ko nakuha ang aking firts kiss . . . Erase! Erase! Hindi ko na talaga kaya , parang gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon. Kailangan pa ba talaga yun ipakita samin?
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Novela JuvenilSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...