>Chapter 4<
Sherwin Alcaraz
“Pare, may naghahanap sa’yo sa labas.” Sabi ng teammate ko na kakapasok lang ng locker room. Kasalukuyan kaming nagbibihis ngayon , kakatapos lang ng practice game namin.
“Sino naman yun?” tanong ko. Sa dinami-rami ng mga babaeng naghahanap sakin lagi ay madalas na pinatataguan ko na lang sila.
“Eh di yung laging pumupunta dito.” Sabat naman ng isa ko pang teammate na kakapasok rin.
Tsk.Kilala ko na kung sino yun.
Lumabas ako ng locker room at nakita ko siyang nakaupo sa bleachers ng court. Dali-dali siyang lumapit sakin nang makita niya akong papalapit.
“Hi Sherwin ! Pupunta ka ba sa bahay namin ? Nandun si Rex nung umuwi ako ng lunch at hinihintay niya kayo dun.” Sabi ni Xine na agad kumapit sakin.
“Aah . . . may pupuntahan pa kasi ako kaya mamaya pa siguro ako pupunta sa bahay niyo.” Sabi ko na pilit inaalis ang pagkakapit ng mga kamay niya sa braso ko.
“Where? I wanna go with you.”
Isip pa ng palusot Sherwin kung ayaw mong madisgrasya nang wala sa oras.
“It’s about our basketball game kaya. . . “ tinignan ko ang wristwatch ko . “Late na pala ako. Mauna na ako sa’yo , Xine.” Sabi ko saka mabilis na tumakbo palabas ng court.
“Hey! Sherwin!!”
Hindi ko na lang si Xine pinansin. Baka kapag sumama pa ako sa kanya ay makadisgrasya pa ko , mahirap na. Ayaw ko pang mag-asawa nang maaga.
Xine Fuentes
Aargh! Natakasan pa ako ni Sherwin. Bakit ba ayaw niya ‘kong kasama?
Matagal ko nang napapansin na parang iniiwasan niya ko , parang ayaw niya sakin.
Ano bang mali sakin? Wala naman ah! Maganda ako , sexy , matalino at higit sa lahat pareho kaming mayaman. Ano ba ang meron ang iba na wala ako?
Hmp. Mapapasakin ka rin balang-araw, Sherwin Alcaraz.
Sherwin Alcaraz
Natakasan ko na naman si Xine.
Hindi na muna ako pupunta sa bahay nila. Tatawagan ko na lang si Rex na magkita kami sa bar , siguradong nandun na rin sina Carlo at Tyronne.
Papalabas na ko ng MAPEH (music , arts , physical education & health) BUILDING nang makarinig ako ng tumutugtog ng piano. Nang tumingin ako sa wristwatch ko ay 6pm na. Masyado na yatang late para sa music class.
Sakto naman na madadaanan ko yung music room kaya tinignan ko ang loob niyon . Nakabukas nang kunti yung pinto kaya sumilip ako.
Isang babaeng mahaba ang buhok ang nakatalikod at tumutugtog ng piano. Patuloy lang siya sa pagtugtog at hindi namalayan ang pagpasok ko.
Ang babaeng ito. Pamilyar siya sakin. Parang nakita ko na siya dati.
Naalala ko bigla yung babae sa subdivision nila Rex.
Posible kayang siya ang babaeng nasa harap ko ngayon?
Shannelle Ramirez
Ako na lang mag-isa ngayon dito sa kwarto habang nagpapraktis para sa program bukas. Umalis na kasi si Kyle ,pagkatapos niya kong tulungan , composition niya kasi yung tutugtugin ko.
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Novela JuvenilSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...