V-card 9

1.4K 22 8
                                    

>Chapter 9 <

Shannelle Ramirez

Sa kabila ng mga nangyari kahapon ay pinilit ko pa ring pumasok sa school. Pinilit kong kalimutan at nilakasan ko ang loob ko.

Dadaanan ko pa sa laboratory yung gagamitin kong equipments para sa physics class ko.

Pagpasok ko ng lab ay maraming mga studyante ang nagsasagawa ng mga experiment. Dahan-dahan akong pumasok at kumuha ng mga gamit sa shelf.Akmang lalabas na ako nang may humarang sakin. Kilala ko siya , sino ba namang hindi? Si Roxine Fuentes , cheer leader ng cheering squad dito sa school.

“You should’t be here.” Sabi ni Xine.

“Uhh. . .yeah. Sorry kung naistorbo ko kayo. Paalis na rin ako.” Nakayukong sabi ko at akmang lalampasan na siya nang hawakan niya ko sa braso.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin. I mean , you don’t belong here.”

Napatingin ako sa kanya. Meron siyang kinuhang picture mula sa bulsa niya at ipinakita iyon sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa picture , kaming dalawa ni Sherwin. Kuha iyon sa backstage habang binibigyan niya ako ng bulaklak pagkatapos kong mag-perform noong nakaraang araw.

“Hindi ka na ba nahiya? Panget ka na nga ang landi-landi mo pa.” sabi ni Xine sabay tulak sakin. Napatingin sa amin ang lahat ng mga istudyante na nasa loob ng lab at pati na rin yung mga napapadaan sa labas.

Wala akong nagawa kundi ang titigan lang ang picture na hawak ni Xine.

“Bitch!” sigaw sakin ni Xine.

Unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako napahiya nang ganito at napagsabihan ng ganun.

“Tama na yan , Xine,” pigil ng kaibigan ni Xine sa kanya.

Napaatras ako at tatakbo na sana palabas nang may mabangga ako. Nang tignan ko ay si Sherwin pala. Kumunot ang noo niya nang magtama ang mga mata namin.

“Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa tono na parang nag-aalala siya sakin. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko ng kanyang kamay.

“Aaargh! You bitch!” narinig kong sigaw ni Xine mula sa likod.

“Anong ginawa mo kay Shannelle?” tanong ni Sherwin kay Xine. Yung tono ng boses niya . . . parang galit.

“She’s flirting with you! What do you expect me to do?!” –Xine

“You have nothing to do with her or with what's going on between us." – Sherwin

Napatingin ako kay Sherwin. Ipinagtatanggol niya ako?

Ngumisi naman si Xine. “Yeah right. Tigilan mo na ang pagtatanggol sa kanya.Bakit naaawa ka ba sa nerd na yan?Wala ka namang makukuha sa kanya--"

 Hindi ko na nakita pa o narinig kung ano susunod na sasabihin ni Xine dahil kinulong ni Sherwin ang mukha ko sa mga kamay niya at pilit na pinaharap ako sa kanya. Ang sumunod na pangyayari ay ikinagulat ko.

Naramdaman ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin ni Sherwin. Ilang segundo rin akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nablangko ang utak ko at ni hindi ko magalaw ang mga kamay ko, pati yung mga mata ko ay nakabukas rin.

Nakatulala lang ako habang unti-unting lumalayo ang mukha ni Sherwin mula sakin at bumaling naman iyon sa direksiyon ni Xine na nanlalaki naman ang mga mata habang nakatingin samin.

“Ano pa ba ang gusto mong makita , Xine?” maya-maya pa ay nagsalita si Sherwin. Tila doon na rin ako nahimasmasan. Kusang gumalaw ang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi ni Sherwin. Noon ko lang narealize kung ano ang nangyari. Hinalikan ako ni Sherwin! Walang lingon-likod na tumakbo ako palabas ng laboratory.

“Shannelle!” dinig kong tawag ni sherwin pero hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako palabas ng science building habang pinupunasan ang luha ko. Hiyang-hiya na talaga ako , pagkatapos ng nangyari kahapon ay heto na naman. Bakit ba nangyayari sakin ‘to?

Napahinto ako sa pagtakbo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ano ‘to? Nakikiramay sakin ang langit? Napaupo ako sa damuhan. Nasa gitna ako ngayon ng soccer field ng school. Binuhos ko na lahat ng nararamdaman ko sa pag-iyak. Papasok pa ba ako sa klase ko? Siguradong usap-usapan na naman ako sa buong campus.

“Shannelle”

Napatayo ako at napalingon nang marinig ang tinig na iyon.

Si Sherwin. Nakatayo rn siya sa gitna ng field at basang-basa na rin ng ulan. Nilapitan niya ako at nilagay ang jacket niya sa likuran ko.

“Bakit ka ba nagpapaulan dito? Magkakasakit ka niyan.”  Sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang pagkakapatong ng jacket sa balikat ko.

Natigil siya sa ginagawa at napatingin din sakin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

“Sherwin . . .”

“Mula ngayon wala nang mananakit sa’yo. Pangako yan.Poprotektahan kita.” – Sherwin

Naramdaman kong parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Sherwin. Somehow , I felt safe. Pero hindi dapat ako umasa sa iba. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at umatras.

“Bakit ba iponagtanggol mo pa ako kanina?Sana hindi mo na lang ginawa yun. Mas lalo lang dadami ang magagalit sakin. Kaya ko naman tiisin yung sinabi ni Xine sakin eh.”  Sabi ko at tumalikod na para umalis nang magsalita si Sherwin.

“Ayokong makita ka ulet na umiiyak. Mula noong nakita kitang umiyak kagabi ay nangako ako sa sarili ko na poprotektahan kita.” –Sherwin

“Hindi mo naman kailangang gawin yun.” Mahinang sabi ko. Pakiramdam ko pabigat lang ako sa kanya. Tama nga siguro si Xine , naaawa lang si Sherwin sakin.

“Pero iyon ang gusto ko. Shan , hindi mo ba nakikita? Sh*t , gusto kita!”

“Ano?!” marahas akong napalingon sa kanya. “H-Hindi yun pwede . . . n-naaawa ka lang sakin.”

“Gusto nga kita! Mahirap bang intindihin yun? Hindi ko alam pero gusto kita. Hindi pa ba sapat na ipinakita ko iyon sa lahat kanina?” sabi ni Sherwin.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Hindi ko inaasahan na magsasalita nang ganun si Sherwin. Alam kaya niya ang pinagsasabi niya? Hinsi kaya nabulag lang siya nang awa niya sakin?

“Hindi ka pa rin ba naniniwala? Tss. Gusto mo bang patunayan ko ulet sa’yo nang tayo lang dalawa?” wika niya habang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

“T-Teka –“  naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hapitin sa bewang at naglapat ang mga labi namin sa ikalawang pagkakataon. Muli ay naestatwa ulet ako sa aking kinanatayuan nagunit nagyon ay ramdam na ramdam ko na ang paggalaw ng mga labi ni Sherwin. Hindi k alam kung ano’ng gagawin ko kaya mas pinili kong hindi gumalaw. Ito kaya ang first kiss ko!

Ilang segundo rin tumagal iyon hanggang sa maramdamn kong unti-unti nang humiwalay ang mga labi namin.

 Ngumiti nang nakakaloko si Sherwin. “So , pwede na ba kitang ligawan , Miss Shannelle Ramirez?”

The V-Card Bet [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon