V-card 11

1.4K 28 17
                                    

This is dedicated to @NagtatagongDyosa ! Salamat sa paglagay ng stories ko sa iyong "Stories worth reading" ! I really really appreciate it and Im very flattered. Hindi ko talaga expect na may gagawa nun. Again , Thank you :)

**********************************************************************************************************

>Chapter  11<

Shannelle Angel Ramirez

3 weeks later

“Sige na, please? . . .”

“Ha? Puno na ang schedule ko ngayon eh.” Dahilan ko kay Sherwin. Kanina pa kasi niya ako pinipilit na manuod ng practice game nila. Kalaban kasi nila ngayon yung makakalaban nila sa championship pero practice game lang naman, naghahanda lang sila para sa finals.

“Please? . . . wala akong magiging inspirasyon pag wala ka.” Pagmamakaawa ni Sherwin saka lumuhod.

“Uy ano ka ba? Tumayo ka nga diyan.” Sabi ko sa kanya saka hinila siya patayo pero nanatili pa rin siyang nakaluhod. Buti na lang walang masyadong mga studyante at busy pa ang lahat sa pag-aaral dito sa library kaya walang nakapansin sa amin.

“Basta pupunta ka ng practice game?”

 Napabuntong hininga na lang ako. Three weeks na ring nanliligaw sakin si Sherwin at palagi kaming magkasama. Nadiskubre ko ring medyo makulit rin pala siya , gusto niya nakukuha lahat ng gusto niya.Oo nga pala, tatlong linggo na rin kaming usap-usapan sa campus. Wala ba silang magawa sa mga buhay nila?

“Sige na nga. Ang kulet mo talaga.” Suko na talaga ako kay Sherwin. Palagi niya na lang akong napapapayag sa gusto niya.

“Yes!” nagulat ako nang mapasuntok siya sa hangin.

“Quiet!”

Napayuko kaming pareho ng sawayin kami ng librarian.

“Thanks ,Angel. See you later.” Sabi ni Sherwin sabay halik sa pisngi ko at tumakbo palabas ng library. Nanlaki naman ang mata ko at napahawak ako sa pisngi ko nang wala sa oras.

Bakit ba palagi niya na lang ako nalulusutan?

Dolly Agoncillo

“Aargh! I hate that b*tch.Ang landi-landi niya talaga.Look! Sherwin just kissed her.”

Napailing na lang ako habang nakikinig sa mga pang-iinsulto ni Xine kay Shannelle Ramirez.

“Parang di ka naman kasi nasanay diyan kay Sherwin. Alam mo namang playboy yan eh.Saka siya naman yung humalik kay Shannelle eh.” Sabi ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa binabasang libro.

“Alam ko. Pero naiinis talaga ako sa babaeng yun eh. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya eh. Aaargh! Kainis.”

“Hay ewan ko na lang talaga sa’yo, Xine.” Kailan ba matatauhan ang kaibigan kong ito sa kabaliwan niya kay Sherwin? Pero kahit ganyan siya, naiintindihan ko rin siya eh. Pareho kasi kami , nababaliw sa isang lalaki.

“Bakit ba parang kinakampihan mo pa ang babaeng yun?” wika ni Xine na kinuha pa talaga mula sa akin ang binabasa kong libro.

Napabuntong hininga ako. “Hindi naman sa ganun. Wala naman kasi akong personal na dahilan para magalit sa kanya.”

The V-Card Bet [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon