V-card 3

2K 25 1
                                    

>Chapter 3<

Shannelle Angel Ramirez

“Okay lang talaga kami sa bagong bahay namin ‘Ma” I told Mom. I was talking to her over the phone via long distance call.

“Basta mag-ingat ka pa rin diyan. Okay lang ba si Melissa . . .I mean ang tita Melissa mo sa’yo?”

“Mom , we’re not gonna talk about this issue again, are we? She’s okay with me , really.” I lied.

Sa totoo lang , Tita Melissa and I are not getting along very well as well as my stepsister , Beatrice. Hindi kami mayadong nagkaka-usap sa bahay maliban na lang kapag nariyan si Daddy. Since Tita ang ate Bea lived with us , I had the feeling that they don’t like me.

“Are you sure?”

Haay, Si Mama talaga. Ang kulet minsan.

“Yes ‘Ma. Anyway , I’ll call you later again. Nandito na kami sa school eh.” I chose to end our conversation since pumasok na yung kotse namin sa gate ng school at baka kung saan pa makarating ang usapan namin ni Mama lalo pa at katabi ko pa naman si Ate Beatrice sa backseat ng kotse.

“Okay . Ingat ka diyan anak ha? Love you.”

“Love you too ‘Ma ! Take care! Mwah!”

Pagkatapos kong makipag-usap kay Mama ay sinulyapan ko si Ate Beatrice sa aking tabi pero inirapan niya lang ako. Hindi ko na lang iyon pinansin kasi sanay naman ako na ganun ang turing niya sakin eh.

Pagbaba namin ng kotse ay naunang naglakad si Ate papunta sa mga kaibigan niya na nakaupo sa bench. Sumunod naman ako sa kanya pero siyempre sa daanan ako dumaan kung saan papunta sa next class ko. Unfortunately , nadaanan ko sila ng mga kaibigan niya na nagbubulungan. Ewan ko ba kung bulungan pang maitatawag iyon eh dinig na dinig ko pa yung pinag-uusapan nila which is AKO.

“Bea , bakit ba palagi mong kasama yang nerd na yan?”

“Oh my gosh! . . . Don’t tell me your sisters?!”

“W-What? O-Of course not! Anak lang siya ng maid namin noh kaya nakikisabay papunta dito ng school.”

“Anak lang ng maid you? How come she afford the tuition here?”

“Kami kasi ang nagpapaaral sa kanya.”

Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila. Pilit ko na lang kinalimutan ang mga sinabi nila. Although stepsister ko lang si ate Bea ay masakit pa rin pa lang itanggi niya ako bilang kapatid sa mha kaibigan niya samantalang ako naman ay tinuring siyang parang isang tunay na kapatid kahit di man kami close.

*Riiiiing! Riiiiiiing!*

The ring of the bell signifies that the first period of class shall begin.

Dali-dali akong naglakad papunta sa first class ko which is the special class na kailangan kong pasukan.

Pagpasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga tao as if Im some weirdo. Ah oo nga pala , nerd ako. Psh , nakalimutan ko.

Sa gitnang linya ako umupo since yun lang naman ang only vacant chair na nakita ko. Yung nasa kanan ko na arm chair ay vacant din habang yung nakaupo sa bandang kaliwa ko ay umusod ng konti palayo sakin. Ano akala niya sakin , merong nakakahawang sakit? Mukha ba kong nakakadiri?

“Okay class , let’s start our first lesson. Hindi ko na hihintayin pa ang nag-iisang late.” Sabi ng tea cher na sinulyapan ang katabi kong upuan na bakante.

The V-Card Bet [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon