>Chapter 7<
Shannelle Ramirez
“Paano na tayo ngayon dito?” ang tanging nasambit ko at napaupo sa upuan. Bukod sa na-lock na kami sa loob ay wala pang kuryente , malamang pinatay nung guard yung main switch ng building. Madilim na nga dito sa loob , mainit pa. Buti na lang binuksan namin yung bintana kaya yung sinag ng buwan ang nagbibibgay ng liwanag sa loob ng laboratory kahit papano.
Nang mapatingin ako sa direksiyon ni Sherwin ay nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader. Akala ko nung una ay nag-iisip siya , yun pala natutulog.
Nice. Mukhang ako lang ang namomroblema dito.
Pumunta ako sa harap ng isang salamin at kinuha ang eyeglasses ko at inayos ko yung buhok ko.
Pabalik na ko sa inuupuan ko kanina nang . . .
“Kyaah!” Natisod ako . Ang bilis ng pangyayari , parang meron akong nakapitan na kung ano tapos bumagsak ako sa isang malambot na bagay. Then someone groaned.
Sino yun?
Naramdaman kong gumalaw ang dinadaganan ko. Isang pares ng kamay ang humawak sa bewang ko. Napatingin ako sa ’bagay’ na nadaganan ko. Nagtama ang mga mata namin.
O_O
Sherwin Alcaraz
I can feel her above me. Nagkatitigan kami.
Sh*t. Siya ba talaga ‘to? Hindi niya suot ang salamin niya at di na rin magulo ang buhok niya. F*ck . Ang ganda niya lalo na’t ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Mataman ko siyang pinagmasdan , hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Siya pala ang babaeng matagal nang gumugulo sa isip ko.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at may tumama sa aming ilaw.
Agad na napabangon si Shan at tumalikod mula sa pinanggagalingan ng ilaw.
Sh*t. Istorbo.
Bumangon na rin ako at tinignan kung saan nanggaling yung ilaw.
“Bakit nandito pa kayo?” tanong ng guard habang pinaiilawan kami ng flashlight.
Hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko si Shannelle na nakatalikod pa rin at hinila ang kamay niya.
“T-Teka –“
Kinuha ko ang bag naming dalawa at diretsong lumabas ng laboratory.
“Kayong dalawa , saan kayo pupunta?” tanong ng guard sa amin pero nilagpasan lang namin siya.
“Teka , nagtatanong yung guard.” Sabi ni Shan.
“Wag mo nang pansinin yun.” Balewalang sabi ko. Wala namang magagawa yung guard eh.
Palabas na kami ng building nang huminto si Shan sa paglalakad. Nilingon ko siya. Binawi niya naman ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
“Mauna na ko sa’yo.” Sabi niya at akmang kukunin ang bag niya mula sa akin pero inilayo ko yun. Nakakunot ang noong tinignan niya ako.
“Hinihintay ako ng driver namin. Hindi yun aalis hanggang di ako nasusundo, kaya akin na ang bag ko. Please.” Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sakin.
“Saan ba ang sasakyan mo? Hatid na kita.” Sabi ko sabay akbay sa kanya at iginiya siya patungo sa parking lot na malapit lang naman sa science bldg.
Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin niya sakin , ni hindi ko nga siya tinignan kasi sh*t baka mahalikan ko siya.
F*ck , what am I thinkin’ ?
Naramdaman ko na lang na lumayo si Shannelle mula sa akin at nakuha niya na pala ang bag niya mula sa kamay ko.
“Bye.” Mahinang sabi niya saka tumakbo papunta sa sasakyang naka-park malapit lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko man siya makita sa loob ng sasakyan nang paalis na ito ay kumaway pa rin ako.
Sa wakas nakita ko na rin siya ulet.
*********************
Tyronne Agoncillo
“Hoy , paano mo na-perfect yung test ha? Halos isang linggo ka kayang di pumapasok. Nangopya ka no’?” tanong ko kay Rex habng nag-iinoman kami sa bar. Kanina lang ‘to pumasok sa klase pero nakapasa pa sa test.
Tumawa siya.”Hindi ko na kailangan pang gawin yun. Matalino kaya ako.”
Matalino daw? Eh noong elementary palaging zero yan sa test. “Sinong niloloko mo? Sabihin mo na lang kasi kung ano ang sekreto mo.”
“Simple lang.Meron akong tutor.”
“Tutor? Eh mula noong elementary meron ka naman nun eh.”
“Iba to’. Libre na nga ang tutorial , maganda pa ang nagtu-tutor.”
Nanlaki ang mga mata ko. Mula kasi noong bata pa kami ay puro mga lalaki ang tutor niya , mahirap na daw kasi kapag babae. “Saan mo naman nakuha yun ha?!”
“Bagong kapitbahay” simpleng sagot niya.
Akmang magsasalita pa sana ako nang dumating si Sherwin na panay ang ngiti.
“Ganda ng mood mo ‘tol ah.” Puna ni Rex kay Sherwin.
“Yeah. Nakita ko na kasi siya.” Sagot naman ni Sherwin habang wala sa sariling ininum ang isang baso ng wine.
“Sinong siya?” tanong ko. Parang tinamaan yung gago.
Ngumisi lang siya sa amin ni Rex.
“Makikilala niyo rin siya.”
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Teen FictionSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...