>Chapter 6 <
Shannelle Ramirez
“Oh dali na friend , pili ka na ng gusto mo!” sabi ni Tommy habang tinutulak-tulak pa ako papuntang counter. Pumunta kami sa isang Resto , libre niya daw ako eh.
“Ah sure ka ba? May pera naman ako eh.” Nahihiyang sabi ko. Hindi kasi ako sanay na nililibre.
“Ano akala mo sakin poor?”
“Sabi ko nga , libre mo na ‘ko.” No choice. Pumili na ako sa menu pero siyempre kunti lang kasi nahihiya naman ako. Pumwesto kami sa malapit sa pintuan para madali na kaming makita ni Ashley pag dumating siya.
“Friend , nagda-diet ka ba?” maya-maya pa ay tanong sakin ni Tommy.
“Ha? Hindi naman.”
“Eh bakit ang kunti lang ng order mo?”
“Ah kasi ganito talaga ako kumain.”
“Ay kaya pala ang payat mo.”
Ouch.Tinignan ko yung sarili ko. Di naman ako payat ah!
“Bwisit”
Nabaling ang tingin ko kay Ashley na kararating pa lang , di ko siya napansin habang papalapit sa amin ah.
“Uy bad mood ang lola mo.” Bulong sakin ni Tommy.
“Waiter!” tawag ni Ashley sa waiter saka um-order.
Ano kaya nangyari sa kanya?
“Hoy babae , anong nangyari sa’yo?” tanong ni Tommy kay Ash nang makaalis na ang waier.
“Wala”
“Ay teka alam ko yan eh . . . Yan din yung mood mo nang makita mo si ano . . yung si ano” sabi ni Tommy panay ang ngiti nang makahulugan. Pero napatigil siya nang tumalim ang tingin sa kanya ni Ashley. “Sabi ko nga , tatahimik na ‘ko”
“Ah kain na tayo guys!” sabi ko na lang kasi timing rin na dumating ang waiter dala ang pagkain namin.
Isang babae ang dumaan sa harap ng pwesto namin na nakakuha sa atensyon ko. Kung hindi ako nagmamalikmata ay si Ate Beatrice yun. Tinitigan ko siya habang naglalakad papuntang counter kasama ang isang lalaking na hindi ko makita ang mukha.Baka kaklase niya.
Anong ginagawa nila dito? Nagde-date yata sila. Ngayon ko lang nakita si Ate na may kasamang lalaki , wala rin akong nababalitaan na may boyfriend na siya.
“Hoy babae , kumain ka na , ang payat-payat mo na oh.”
Nabaling ang atensyon ko kay Tommy na panay na ang kain. Kumain na rin ako kasabay nila pero patuloy ko pa ring sinusulyapan si Ate Bea nang umupo sila malapit sa amin pero sa kabilang side sila nakaharap kaya likod lang nila ang nakikita ko.Ang sweet pa nila nung lalaki. Boyfriend niya kaya yan?
*******
The next day...
Halos takbuhin ko na papunta sa first period class ko dahil 10 minutes late na ‘ko.
“Good morning po , Ma’am” bati ko sa teacher namin pagpasok ko sa pintuan.
“Ah Miss Ramirez , your late. Oh and you too Mr.Alcaraz.” sabi ng teacher kaya napatingin samin ang lahat ng kaklase namin. Habang ako naman ay napatingin sa tabi kong nakatayo rin , hindi ko namalayang kasunod ko lang pala si Sherwin. Siguro ay napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin rin siya sakin at ngumiti , iniwas ko naman ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Teen FictionSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...