Pasensiya na kayo kung late ko na nai-post ang UD !! Busy pa po kasi ako.
Thank you nga pala sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay!
----------------------------------------------------------------------------
Shannelle Angel Ramirez
"Sis, gising na.Nasa park na tayo."
Naalimpungatan ako nang yugyugin ni Ashley ang balikat ko.
Pagtingin ko sa bintana ng sinasakyan naming bus ay saktong papasok na nga kami ng park.Nasa unahan din namin yung mga bus na sinasakyan ng iba naming kasamahan.
Pagtigil ng bus ay agad na nagsibabaan ang mga kasama namin.
"Mga sisters! Hali na kayo at baka maunahan pa tayo sa mga fafa na turista sa labas." sabi ni Tommy at nauna nang lumabas sa amin.
"Ang landi talaga ng baklang yun.Akala mo mauubusan ng lalaki sa labas."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Ashley habang pababa kami.
"Angel!" tawag sakin ni Sherwin na tumatakbo papunta sa amin.
"Wag mong sabihin na namiss ka na agad niya? Madaling araw na kayo nagkahiwalay ah." bulong ni Ashley sa tabi ko.
Napangiti na lang ako nung maalala ang nangyari. Sherwin was very attentive. Habang nakasakay kami sa kotse na sumundo samin maya't maya niya aki tinatanong kung ayos lang ako o nagiginawan ba ako. He even told me that he will take me somewhere kung saan makikita ko yung full view ng lake pagdating namin ng park.Hindi ba ang sweet nun?
"Hoy anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
Napatingin ako kay Ashley saka ko naalala yung naabutan namin ni Sherwin sa gate kaninang madaling araw. Si Ashley at Tyronne, seryosong nag-uusap.
"Ano'ng pinag-uusapan niyo ni Tyronne nung dumating kami?" tanong ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sakin. "Wala naman. Kung anu-ano lang."
Hindi ko alam na magkakilala pala si Ashley at Tyronne. Sa school kasi hindi na man sila nag-uusap o kahit nagpapansinan man lang. Magsasalita pa sana ako nang biglang magsalita rin si Sherwin na nasa harap na pala namin.
"Angel, naalala mo ba ang sinabi ko sa'yo sa kotse? I want to show it to you now."
"Talaga?" excited na sabi ko.
"Oh sige, gora na kayo ni Sherwin habang kami naman ni Ashley ay mangha-hunting ng mga fafa!" sabi ni Tommy saka hinatak si Ashley papalayo.
"Ready to go?" hinawakan ni Sherwin ang kamay ko.
"Sure."
Ashley Mariano
"Bakit mo sinabi yun?" tanong ko kay Tommy nang makalayo na kami.
"Ano ka ba? Halata namang may date ang dalawang yun no. Hindi tayo pumunta dito para maging chaperone. Remember! Mangha-hunting tayo ng mga fafalicious!"
"Eh paano kung niloloko lang pala ni Sherwin si Shan?" Hindi talaga maganda ang feeling ko kay Sherwin eh.
"Ayan ka na naman eh. Wag ka ngang paranoid! Alam mo kung hindi lang sa pagiging paranoid mo kayo na sana ni Tyro--"
BINABASA MO ANG
The V-Card Bet [SLOW UPDATE]
Teen FictionSherwin Alcaraz - The Cassanova , Shannelle Ramirez - The NERD. Ang layo ng agwat nila sa isa't-isa pero paano kung magkakilala sila nang dahil sa isang pustahan? The V-Card Bet. Ang pustahan kung saan kailangang makuha ni Sherwin ang Virginity a.k...