Teaser
Unang kita pa lamang ni Jazeel kay Randel Alcaraz ay hindi na niya ito gusto. Mayabang, saksakan ng bilib sa sarili at dakilang playboy ang lalaki. Kaya naman doble ang inis na naramdaman niya sa tuwing magkukrus ang kanilang mga landas.
Pero lahat ng inis niya ay napawi nang maging malapit sila sa isa't-isa ng binata. Nadiskubre niya ang lahat ng magagandang katangian nito. Hanggang sa namalayan na lamang niyang minamahal na niya si Randel at ganoon rin ang binata sa kanya.
Ngunit ang inakala niyang habang-buhay na sayang naramdaman nila sa isa't-isa ay hindi pala magtatagal. Dahil nalaman ni Jazeel na ang lalaking iniibig niya ay siya ring iniibig ng nag-iisang kapatid niya. Sino ang pipiliin niya... ang lalaking pinakamamahal o ang nag-iisang kapatid na mahal na mahal rin niya?
NOTE: THIS IS THE RAW AND UNEDITED VERSION.
THE PAST BOOK 5
You Treat Me Like A Rose
By: Saab de Andrade
CHAPTER ONE
"ATE, huwag ka ngang malikot."
"Kasi naman Ellen hindi ako sanay na mine-make-a-pan," nakangiwing sabi ni Jazeel sa kanyang nakababatang kapatid.
Tumigil ito sa paglalagay ng blush-on sa kanyang pisngi at tumingin sa kanya habang nakaupo siya sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto.
"Hay naku ate," iiling-iling na sabi nito. "Tingnan mo oh! Ang ganda-ganda ng ate ko," proud pang sabi nito. "Sigurado ako na pagtitinginan ka ng lahat ng tao 'dun sa party na pupuntahan mo."
Natawa siya sa sinabi ng kapatid. "Binobola mo naman ako Ellen," iiling-iling na sabi niya.
"Hindi kita binobola ate. Ikaw kaya ang pinakamagandang masterpiece ko. Kapag mine-make-a-pan kita pakiramdam ko ang galing-galing ko kasi ang ganda-ganda mo ate."
Ellen is a freelance make-up artist. Bata pa lang sila ay napaka-kikay na nito. Hilig nitong mag-ayos at pagandahin ang ibang tao sa pamamagitan ng talento nito at galing sa pagme-make-up.
"Oo na, naniniwala na ako sa'yo mahal kong kapatid," nakangiting sabi niya.
Tumawa ito. "Manang-mana ako sa kagandahan mo ate."
"Napakabolera mo talaga. Kung hindi ko lang alam ay may kailangan ka sa akin kaya ka ganyan ngayon," natatawang sabi niya.
Humagikgik ito. Sinasabi na nga ba niya. Umiling-iling siya.
"Alam mo naman ang gusto ko 'di ba ate?" kumurap-kurap pa ang mga mata nito.
"Oo na, makukuha mo na ang bagong set ng make-up na gustung-gusto mo."
Biglang nagliwanang ang mukha nito. "Thank you ate, I love you," masayang sabi nito at niyakap siya. Nakangiting gumanti siya sa yakap ng kapatid. Masaya siya kapag nakikitang masaya ang kapatid.
Kumalas sila sa yakap. "You're welcome my dear sister. Alam mo naman na suportado mo ako sa passion mo. Kaya ipagpatuloy mo lang 'yan ha. I'm always here for you."
Gumanti ito ng ngiti sa sinabi niya. "Ikaw talaga ang pinaka-the best ate in the world."
Ganoon sila kalapit sa isa't-isa ng kapatid. She was lucky to have a sister and a best friend in Ellen.
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
General FictionThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.