CHAPTER EIGHT
"DAHAN-DAHAN lang ha. Malapit na tayo."
"Ano ba kasi ang sorpesa mo sa akin?" excited na tanong ni Jazeel kay Randel. Nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mga mata habang inaalayan siyang maglakad.
"Basta, secret nga 'di ba?" natatawang sabi pa nito.
Natawa siya sa sinabi nito. "Alam mo ikaw Randel, mahilig ka talaga sa mga sorpresa."
"Gusto ko lang naman kasing sorpresahin ang pinakamamahal kong babae. At ikaw iyon. I love you Jazeel," masuyong bulong pa nito malapit sa kanyang tainga.
Nakiliti siya sa ginawa nitong iyon. Pero mas masarap sa pakiramdam ang paraan ng pagbanggit nito kung gaano siya kamahal.
"I love you too, Randel," buong pagmamahal na tugon niya.
Naramdaman pa niyang hinalikan nito ang pisngi niya. Napakislot siya sa ginawa nitong iyon. Napakabilis ng tibok ng puso niya. Ganoon pa rin kalakas ang epekto sa kanya ng binata.
Hinawakan niya ang mga kamay nito na nasa mga mata niya. "Ikaw ha, porke't nakatakip ang mga kamay ko nanamantala ka na." Tumawa lamang ito. Napakasarap sa pandinig ang masayang tawa nito. Huminto sila sa paglalakad.
"Nandito na tayo." Anunsyo nito.
Dahan-dahang inalis nito ang mga kamay sa kanyang mga mata. Pagmulat niya ng mga mata ay tumambad sa kanya ang magagandang bulaklak na nasa paligid. Ang lahat ng mga iyon ay puting rosas. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa ganda ng mga iyon. Naamoy pa niya ang bango ng mga bulaklak. Napakaromatiko ng paligid.
Sa gitna niyon ay may isang nakahandang mesa na may mga masasarap na pagkain. A candlelight dinner was set-up. At mga paborito niyang pagkain ang nakahanda.
"Wow!" namamanghang sambit niya. "Ang ganda-ganda ng mga bulaklak. Napakaaliwalas sa paningin ng mga puting rosas." Tiningnan niya ang binata. Matamis ang ngiti sa mga labi nito.
"White roses symbolizes purity and sincerity. They sometimes call it 'the flower of light' it is an everlasting and eternal love. And those are my intentions towards you Jazeel. They are purely from my heart." Nakasarap sa pandinig ang mga sinabi nito. "Para sa'yo ang lahat ng ito. Natutuwa ako at nagustuhan mo."
"Sino ba ang hindi magugustuhan ang ganito kagandang lugar?" masayang sambit niya. "Ang ganda-ganda oh. Thank you, Randel." Hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan ang pisngi nito.
Nakita niya ang gulat sa mukha sa ginawa nito. Pero kaagad din itong ngumiti nang matamis.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at inakay siya sa mesa. "Hindi lang ito ang gagawin ko para sa'yo Jaz. Aalagaan kita nang buong-buhay ko. At higit sa lahat, mamahalin kita habang-buhay," masuyong sambit nito.
"At ikaw lang din ang lalaking nag-iisa sa buhay ko na mamahalin ko Randel," buong-pusong tugon niya.
Kinuha nito ang isang bungkos ng puting rosas mula sa upuan at ibinigay sa kanya.
"I want you to remind that everytime I gave you white roses you will think of my love. Randel's love," turo nito sa sarili. "I want you to remind how much I love you Jazeel."
Tinanggap niya ang bulaklak. "And I'll accept them like the way I accept your love. I love you, too, Randel," buong-pagmamahal na tugon niya.
"Kapag sinasabi mo kung gaano mo ako kamahal Jaz... para akong nasa langit," masayang sambit nito. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka. Maraming-maraming salamat sa pagmamahal mo. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko lubos mararamdaman ang tunay na kahulugan ng kasiyahan."
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
General FictionThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.