Chapter 2

11K 156 2
                                    

CHAPTER TWO

"HI my sweet, kumusta ka na?"

Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ni Jazeel nang maramdam ang mabangong hiningang tumama sa kanyang batok. Nanuot rin sa kanyang ilong ang pamilyar na panlalaking pabango.

Lumingon siya at nahigit ang kanyang hininga nang mula sa kanyang pagkakaupo ay sinalubong siya ng nakakatunaw na tingin na iyon. Her heart suddenly pound so fast. His thick eyebrows matches the aquiline of his nose. His sensual red lips is so tempting. That little clef chin makes him look so charming. And his enticing deep set brown eyes can hooked any woman. Yes, this man possesses every inch of a perfect male features that's why every woman drools over his charm.

Nakita niyang tumaas-baba pa ang kilay nito habang nakatingin pa rin sa kanya. Mabilis na tumayo siya mula sa kinauupuan at inayos ang kanyang suot na coat. Nasa loob siya ng opisina. May isa pang pinto sa malaking kwarto roon at iyon ang opisina ng kanyang boss. Dumadaan muna sa kanya ang lahat ng pumapasok sa loob ng kwarto ng boss niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" masungit na tanong niya sa lalaki.

Namulsa ito at tumingin sa kanya. "Relax ka lang sweet, ang sungit-sungit mo naman. Hindi mo ba ako na-miss?"

"I-miss mo 'yang mukha mo," sikmat niya. "Pwede ba huwag na huwag mo akong tatawaging sweet. Hindi ako matamis!" nanlalaking mga matang singhal niya. "Isa pa, kinikilabutan ako sa'yo," pinaikot pa niya ang mga mata.

Naiinis siya kapag tinatawag siya nito ng ganoon. Alam naman niyang ganoon ang tawag nito sa mga babae nito. Nag-iinit ang ulo niya. Kilalang-kilala niya ang binata sa pagiging matinik sa mga babae.

Tumawa lang ito. "I like calling you sweet, my sweet Jazeel. 'Di ba ang sweet-sweet sa pandinig... parang ako," pang-aasar pa nito.

Pinaikot niya ang mga mata. "Pwede ba! Kung nagpunta ka rito para lang asarin ako ay umalis ka na. Sinisira mo ang araw ko. Kung si sir Mateo ang hinahanap mo, wala siya, nasa meeting siya ngayon."

"Hindi si daddy ang ipinunta ko rito," kuntodo pa ang ngiti sa labi nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Sino?" taking tanong niya.

Biglang naging seryoso ang tingin nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tinambol ng malakas na pintig ang puso niya.

Lalo lamang lumakas ang kabog ng didbib niya nang unti-unti itong lumapit sa kanya. Napaatras naman siya sa kanyang kinalalagyan. Hanggang sa tumama ang kanyang likuran sa matatag na pader.

"Ikaw..." paanas na sabi nito habang magkalapit ang kanilang mga katawan.

Napalunok siya sa kakaibang tingin nito sa kanya. Shit, he's so sexy. Wari naming nahimasmasan at mabilis na tinulak niya ito. Mabilis siyang pumunta sa kanyang mesa at hinawakan ang isang folder at iniumang rito.

"Subukan mong lumapit at ihahampas ko sa pagmumukha mo ang folder na ito Randel!" gigil na sabi niya rito.

He is none other than the man whose hobby is to ruin her days, Randel Alcaraz, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Alcaraz Foods Corporation na si sir Mateo Alcaraz. At ang nag-iisang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang bwisitin siya at sirain ang kanyang mga araw.

Mula nang makilala niya si Randel sa loob rin ng opisinang iyon ay simula na rin nang pang-aasar nito sa kanya. Napakapilyo nito, mayabang at presko kaya unang kita pa lamang niya rito ay hindi na niya ito gusto.

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now