Chapter 11

5.7K 83 5
                                    

CHAPTER ELEVEN

"JAZEEL..." masuyong haplos sa kanyang pisngi ang naramdaman ni Jazeel. Hindi niya makakalimutan kahit kailan ang haplos na iyon na sa tuwina ay nagpapalakas ng pintig ng kanyang puso. Tiningnan niya si Randel habang magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa sa kanilang bahay. Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot at pag-aalala.

Huminga ito nang malalim na tila nahihirapan. "Gusto kong magalit sa'yo kasi hindi mo sinasagot ang mga text o tawag ko. Pakiramdam ko ayaw mo rin akong makita. Kapag nagpupunta ako sa ospital o kaya dito sa bahay niyo, palaging hindi kita naaabutan." Ibinaba nito ang kamay at ngumiti ng pilit.

Bumikig ang kanyang lalamunan sa nakikitang paghihirap sa mukha nito.

"I'm sorry Randel... marami lang kasi akong iniisip," nahihirapan ding sambit niya.

"Naiintindihan ko Jazeel," mariing saad nito. "Hindi ko magawang magalit sa'yo kasi naiintindihan kita," masuyong sambit nito. "Pero nagagalit ako sa sarili ko alam mo ba iyon?" puno ng hinanakit ang mga mata nito. "Kasi dapat nasa tabi mo ako... ako 'yung magsasabi sa'yo na nandito lang ako at hindi kita iiwan sa kahit ano'ng problema ang dumating sa'yo. P-Pero bakit ganoon Jazeel?" nasasaktang pahayag nito. Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng mga luha sa kanyang mga mata. "Pakiramdam ko wala akong kwenta... kasi hindi mo ako kailangan." Ang mga luha nito sa mga mata ay tuluyan nang naglandas.

Nahihirapan siyang nakikita itong nasasaktan. Umangat ang kanyang mga kamay at pinahid ang mga luha nito.

Umiling-iling siya. "Huwag mong sabihin 'yan Randel," nahihirapang sambit niya. "H-Hindi totoo 'yan," garalgal ang kanyang tinig.

"Pero iyon ang ipinaparamdam mo sa akin," puno ng hinanakit ang mga mata nito. "Hindi ba sabi ko sabay nating haharapin ang lahat? Jazeel ako ang nobyo mo," mariing sambit nito. "Hindi ba dapat ako ang nasa tabi mo? Ang nagpapalakas sa'yo? Na kung pwede lang na akuin ko lahat ng sakit at hirap na nararamdaman mo... gagawin ko," malamlam ang mga mata nito habang patuloy sa pagluha. "K-Kasi napakasakit ang makita kang nasasaktan. Na parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang nahihirapan. Na hinihiling ko na sana ako na lang ang nahihirapan at hindi ikaw."

Pinigilan niya ang pagkawala ng isang hikbi mula sa kanyang lalamunan habang nakatingin kay Randel na sumasamo ang mga mata sa kanya.

"P-Patawarin mo ako kung ganito ang nararamdaman mo. Hindi ko sinasadya Randel," masuyong smabit niya. "Ayoko lang na... na mag-alala ka pa sa akin."

Hinuli nito ang kanyang mga kamay at pinisil nang mariin. Tiningnan niya ang mga mata nito na puno ng pagsuyo sa kanya. Damang-dama niya ang pagmamahal sa mga mata nito na para lang sa kanya. Ngunit kasabay niyon ay ang isang damdaming gumugulo sa kanya na siyang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa binata.

"W-What wrong?" nag-aalalang sambit nito. Na wari ay nakita ang takot na naramdaman niya. "Anomang gumugulo sa'yo... sabihin mo sa akin ang lahat. At gagawa ako ng paraan para maging magaan ang lahat sa'yo. Basta hayaan mo ako na manatili sa tabi mo Jazeel."

Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib. "Si Ellen... malapit na siyang operahan sa puso. Randel..." hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay nito. Kailangan niyang tatagan ang loob para masabi rito ang nais niya. Iyon lamang ang tanging alam niyang paraan. "Natatandaan mo pa ba noong araw na nagtapat sa'yo si Ellen? Na gusto ka niya..." muling namasa ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. "Noong araw ding iyon... ay isinugod ko siya sa ospital kasi nanikip ang dibdib niya. Nasabi ko sa'yo ang bagay na iyon 'di ba? Na isinugod ko sa ospital ang kapatid ko."

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now