Chapter 19

5.9K 92 2
                                    

CHAPTER NINETEEN

"LET'S enjoy the night..." masuyong sambit ni Randel sa kanya.

Nakangiting inilibot niya ang paningin sa paligid. It was a perfect and romantic evening at a restaurant. A candlelight special dinner. Talagang pina-reserve pa ng binata angang buong restaurant para sa kanya.

"Napakaganda naman dito," masayang sambit niya.

"Para sa'yo ang lahat ng ito," masuyo ang tinig nito. "At siyempre hindi ko makakalimutan ang..." may kinuha ito sa mesa at ibinigay sa kanya ang isang bungkos ng puting rosas. "White roses for the my lovely sweet Jazeel," kinindatan pa siya nito.

Na-miss niyang tawagin siya nito nang ganoon. Galak na tinanggap niya iyon. He never forgot to give her white roses. Tiningnan niya ito. Nakikita niya ang pagmamahal ng binata para sa kanya. Napakasaya ng pakiramdam niya. Mahal nila ang isa't-isa. Iyon naman ang matagal na niyang hinihintay... ang magkasama sila muli.

"Thank you so much," buong-pusong sambit niya.

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo kasi... nang dahil sa'yo muli kong naramdaman ang saya."

Hinuli nito ang kanyang kamay at iginaya siya sa mesa. Inalalayan siyang maupo. Napaka-gentleman talaga nito.

Umupo ito sa kanyang kaibayo at pinakatitigan siya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" natatawang tanong niya.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandito ka ngayon Jaz. Ayoko na ngang matapos ang sandaling ito na kasama ka." Ramdam niya ang pagmamahal sa kislap ng mga mata nito.

Itinabi niya ang bulaklak sa mesa at hinawakan ang mga kamay nitong nasa ibabaw ng mesa.

"Maniwala ka Randel dahil totoo ang lahat ng ito. Magkasama na tayo muli at hinding-hindi na maghihiwalay pa kahit-kailan."

Naramdaman niyang pinisil nito ang mga kamay niya. "Hindi ako papayag na muli tayong magkahiwalay. Gusto kong maging masaya... kasama ng babaeng mahal ko at ikaw iyon Jazeel," madamdaming sambit nito.

Hinaplos ang kanyang puso sa nakikitang pagmamahal sa mga mata nito.

"Mahal na mahal kita Randel," nag-uumapaw sa suyong tugon niya.

"Mahal na mahal na mahal kita Jazeel," masayang sambit nito. "And with that let's make a toss."

Nagsalin ito ng wine sa kopita. Kinuha niya ang kanyang kopitang may laman ng wine. Ganoon din si Randel.

"Para sa'yo at para sa akin," wika ni Randel at kapwa itinaas ang kanilang mga kopita at pinaghugpong.

Akmang iinumin na niya ang wine nang pareho silang natigilan ni Randel sa mga malalakas na palakpak.

Awtomatikong naibaba niya sa mesa ang kopita. Biglang binundol ng kaba ang kanyang dibdib.

"What a romantic and lovely night!" mariing sabi ng isang tinig.

"C-Claire?" gulat na gulat na bulalas ni Randel.

Napatayo ang binata. Ganoon din siya. Lalong binundol ng kaba ang dibdib niya nang mataman itong nakatingin sa kanya na bakas ang sakit at galit.

"Y-Yeah... it's me honey. Are you surprise to see me?" Nakangiti ito ngunit naroon ang matinding galit na nasa mga mata.

Unti-unting lumapit ito sa kanila. Tumabi ito kay Randel at tumingin nang mataman.

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now