Chapter 20 Ending!

10.4K 173 23
                                    

CHAPTER TWENTY

"CLAIRE..." Hinawakan ni Randel ang balikat ni Claire. Nakahiga ito ng patalikod sa kanya sa loob ng kwarto nito.

"Are you here because you will never leave me?" mahinang sambit nito.

Huminga siya ng malalim bago sinapo ang ulo. He was in that situation again he hated so much. Hindi na niya kaya ang mga nangyayari. Hinayaan na niyang mawala ang kanyang pinakamamahal. Mas hinayaan niyang mawala sa kanya si Jazeel na siya naman talagang mahal na mahal niya.

Sa isang iglap ay nawala sa kanya ang dalaga. Na hindi niya matanggap. Nang magpaalam sa kanya si Jazeel ay natauhan siya. Hindi niya kayang ito ang tuluyang mawala sa kanya. Kaya siya naroon ngayon para kausapin si Claire at ituwid ang tama.

Bumangon ito at umupo sa gilid ng kama habang nakatayo siya. Matamlay ito at bakas sa mukha ang matinding paghihirap.

"Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang," bumalong ang mga luha sa mga mata nito. "Randel..." tumingin ito sa kanya na puno ng luha ang mga mata. "K-Kulang pa ba?" nasasaktang patuloy nito. "Kulang pa ba ang lahat ng ibinigay ko para gawin mo sa akin ito?" Bumikig ang kanyang lalamunan habang ramdam ang paghihirap nito. "S-Sa-an ako nagkulang? S-Sabihin mo sa akin kung saan... at gagawa ako ng paraan para punan ang lahat ng pagkukulang na iyon."

Marahas na pinahid niya ang kanyang mga luha at umupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang mga kamay nito.

"W-Wala kang pagkukulang Claire... ako ang nagkulang," mariing tinuro niya ang sarili. "Ako ang may kasalanan. Patawarin mo ako... patawad Claire," nagsusumamong sambit niya.

Mapait itong ngumiti. "Alam mo naman na hindi ko kayang magalit sa'yo hindi ba? Kasi mahal na mahal kita Randel," nangingislap ang mga mata nito sa luha. "D-Did you love me R-Randel?" nahihirapang tanong nito.

Napalunok siya nang mariin. Ayaw niyang makita ang patuloy na hapdi sa mga mata nito sa magiging sagot niya.

"Bakit hindi ka makasagot?" mariing tanong nito. "Dahil... h-hindi ang sagot mo 'di ba?" puno ng sakit na sambit nito. "Oo nasa tabi kita... naging magkasintahan tayo sa loob ng halos dalawang taon. Akala mo mahal mo ako... iyon din ang akala ko. Pero ang totoo 'non... naipagkamali mo ang damdamin mo sa pagmamahal. Dahil ang totoo hindi mo naman talaga ako minahal. Sumubok ka lang na mahalin ako pero nang makita mo muli siya..." puno ng paghihirap ang tinig nito. "Siya pa rin hindi ba?"

"C-Claire..." mahinang sambit niya. Pinisil ang mga kamay nito.

"Bakit Randel?" puno ng pagdaramdam ang tinig nito. "Naging tapat ako sa'yo. Minahal kita nang buong-buo. Pero bakit hindi mo siya magawang kalimutan? Hindi pa ba sapat na nandito ako na nagmamahal sa'yo?"

"Ayokong saktan ka alam mo 'yan. Pero kaya ko bang pigilin ang puso ko? Tama ka Claire!" napalakas ang kanyang tinig. "Akala ko mahal kita pero hindi pala. Kasi kahit ano'ng gawin ko... si Jazeel lang," nanginginig ang mga kamay na tinuro niya ang dibdib.

Masaganang luha ang naglandas sa mga pisngi nito. "H-Habang nakatingin ako sa mga mata mo..." puno ng luhang tumingin ito sa kanya. "Nakikita ko ang kislap sa mga mata mo... kislap ng pagmamahal. Pero alam mo ba kung ano 'yung pinakamasakit doon Randel?" nahihirapang sambit nito. "H-Hindi ako ang dahilan ng kislap ng pagmamahal sa mga mata mo."

Yumuko siya. "I'm sorry Claire."

"Ni minsan hindi kita pinagdudahan Randel. Kasi may tiwala ako sa'yo. Pero nang araw na nagpunta ka rito... ramdam ko na iiwan mo na ako. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko. Noon ko lang naramdaman ang matinding pagkatakot. N-Natakot ako Randel... kasi hindi ko kayang mawala ka sa akin," nahihirapang patuloy nito. "Kaya inunahan kita sa anomang sasabihin mo."

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now