CHAPTER SEVEN
RANDEL can't help himself from staring at Jazeel. God, she's so beautiful. Habang nakatitig siya rito ay napupuno ng pagsuyo ang puso niya. He never felt this strong feeling in his entire life. Na para bang napakapayapa niya at kontento sa buhay sa tuwing ito ang kasama niya.
Si Jazeel lamang ang tanging babaeng nagpadama sa kanya ng mga damdaming iyon. At gusto niya ang mga damdaming iyon na nagpapasaya sa buhay niya. Hindi na niya kayang pigilin ang damdamin niya. Parang sasabog na ang puso niya sa matinding emosyon na para lang kay Jazeel. Napakabilis ng pintig ng puso niya at gustung-gusto niya ang pakiramdam na iyon. Dahil alam niyang si Jazeel ang dahilan niyon. This time he's so sure about his feelings. He was home.
Kumilos ang mga kamay niya at hinawakan ang mga kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa loob ng restaurant kung saan sila naroroon. Every time he hold her hands, he can feel the contentment in his life. Masuyong ngumiti siya rito at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay. Ayaw na niyang bitawan pa si Jazeel kahit kailan.
"B-Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" nauutal na tanong nito.
She's simply so sweet everytime she stutters. That moment he wanted to grab her and never let go.
"I just can't help myself... ang ganda-ganda mo kasi Jaz," masuyong sambit niya.
Umangat ang kamay nito at pinisil ang pisngi niya. "Binobola mo na naman ako," natatawang sabi nito.
Hinuli niya ang kamay nito at masuyong hinawakan nang mahigpit. "Jaz... gusto kong sabihin sa'yo kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama kita. I can't contain my happiness, it's in here," itinapat niya ang isang kamay sa dibdib. "Hindi kayang ipaliwanag ng puso ko ang sayang nararamdaman ko."
He will grab this moment to say what his heart really feels about her.
"Masaya rin ako kapag kasama kita Randel. Tanging ikaw lang ang lalaking nagparamdam sa akin ng lahat ng ito. Kapag kasama kita pakiramdam ko ligtas ako. Ikaw ang kaisa-isang lalaking dumating sa buhay ko na walang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako."
Umaapaw sa galak ang puso niya sa mga sinabi nito.
"Aaminin ko na maraming babae akong nakarelasyon pero hindi ko nahanap sa kanila ang kakaibang damdamin na ito na sa'yo ko lang naramdaman Jaz," buong-suyong sambit niya. "Kaya hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala ka," nahihirapang patuloy niya. Isipin pa lang niya ang bagay na iyon ay hindi na niya kaya.
Naramdaman niya ang paghawak nito nang mahigpit sa kanyang mga kamay. Nakaramdam siya ng ginhawa sa ginawa nito.
"Can we please not talk about good byes? Kasi hindi naman ako mawawala Randel. Hindi ba ganoon ka rin naman? Hindi mo ako iiwan?"
"Never," mariing tugon niya. "Hinding-hindi kita iiwan Jazeel. Para ko na ring pinatay ang sarili ko kapag ginawa ko iyon. Kapag nasa tabi kita kontento ako. Payapa ako. Kaya ikaw..." tiningnan niya ito ng tuwid sa mga mata. "Huwag mo rin akong iiwan ha?"
Sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha nito. Kung ang magandang mukhang iyon ang masisilayan niya araw-araw ay hinding-hindi siya magrereklamo.
"Hinding-hindi kita iiwan Randel. Nandito lang ako sa tabi mo kagaya mo na nasa tabi kita palagi."
Kuntento na siya sa sagot nitong iyon. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo Jaz. Ayokong nakikita kang nalulungkot o nasasaktan. Kaya kahit ano'ng mangyari, ipagtatanggol kita." Hindi na niya kayang itago pa ang nararamdaman. Kailangan na niyang masabi kay Jazeel ang lahat. "Jaz---"
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
Genel KurguThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.