Chapter 12

5.4K 79 3
                                    

CHAPTER TWELVE

"A-ATE..."

Nagising si Jazeel sa marahang paghaplos sa kanyang buhok. Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakasandig ng kanyang ulo sa gilid ng kama ni Ellen sa loob ng ospital.

"Ellen! Maraming salamat at nagising ka na," masayang saad niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Ngumiti ito sa kanya ngunit nangingilid ang mga luha. "O-Okay lang ako ate," mahinang tugon nito.

Umayos siya ng upo. "Mabuti naman kung ganoon. Huwag ka munang masyadong magsalita. Magpahinga kang mabuti... nandito lang ang ate, hindi kita iiwan." Namasa ang kanyang mga mata nang ngumiti ang kapatid sa kanya.

Masuyong hinaplos niya ang buhok nito. Nagpapasalamat siya at naging matagumpay ang operasyon nito. Alam niyang tuluyan nang gagaling ang kapatid niya. Sa paglipas ng mga araw ay palagi siyang nasa tabi nito. Hindi niya ito iniwan kahit kailan.

Nag-resign rin siya sa kanyang trabaho para lamang maalagaan nang mabuti ang kapatid. Ginawa niya ang lahat para dito.

Hinuli nito ang kanyang kamay at hinawakan nang mahigpit. "M-Maraming-maraming salamat ate," umiiyak na sambit nito. "H-hindi mo ako iniwan... hindi mo ako pinabayaan."

Pinahid niya ang mga luha nito at ngumiti ng matamis. "Kasi nangako ako sa mga magulang natin na aalagaan kita kahit ano'ng mangyari. H-Hindi ba..." garalgal ang tinig na patuloy niya. "Hindi ba nangako din ako sa'yo? Kaya nandito ako ngayon... aalagaan kita hanggang sa tuluyan kang gumaling."

Ibinaba niya ang mga kamay at hinawakan ang isang kamay nito. Naramdaman niyang pinisil nito iyon.

"A-Ate..." muling nangilid ang luha sa mga mata nito. "G-Gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Patawarin mo ako kung naging maramot ako." Nabasag ang tinig nito habang patuloy sa pagluha. "Naging makasarili ako at hindi ko inisip ang nararamdaman mo. Sorry kung nasaktan kita ate... patawarin mo ako."

"Shh..." napakasaya ng nararamdaman niya nang mag sandaling iyon. Iyon ang pinakahihintay niyang sandali, ang magkaayos silang magkapatid. Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng sakit at hirap na naramdaman niya nang mga nagdaang araw. "Huwag mo nang alalahanin pa ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ngayon ay okay na tayo. Magaling ka na at magiging maayos na ang lahat," masayang sambit niya.

Masuyong tumango ito sa kanya. "Salamat ate... panatag na ako dahil pinatawad mo na ako."

"Matitiis ko ba ang pinakamamahal kong kapatid?" masayang sabi niya. "Hindi 'di ba. Mahal na mahal kita Ellen."

"Mahal na mahal din kita ate," masuyong tugon nito. "Alam ko na mas matimbang ang pagmamahal ng isang kapatid sa kahit ano'ng bagay. At pinatunayan mo iyon sa akin ate... kahit na hindi maganda ang ipinapakita ko sa'yo pinagtiyagaan mo pa rin ako. At minahal pang lalo."

"We are the best sisters in the world 'di ba?" galak na saad niya. "At gagawin ko ang lahat para sa'yo."

"Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng ate na kagaya mo," bakas sa mukha nito ang saya. "Na-realized ko na hindi dapat ako magalit sa'yo. "Si... Si R-Randel," may pag-aalinlangan sa tinig nito. "Oo minahal ko si Randel pero hindi dapat ako magalit dahil ikaw ang mahal niya. Dapat maging masaya ako para sa inyong dalawa. At magagawa ko lang iyon kapag nakahingi na ako ng tawad sa inyong dalawa. Kaya ate..." Hinawakan niya nang mariin ang mga kamay nito. "Pakisabi kay Randel na sorry, patawarin niya ako ate."

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now