Chapter 9

5.5K 80 3
                                    

CHAPTER NINE

"ELLEN, saan ka galing? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Puno ng pag-aalalang tanong ni Jazeel sa kanyang kapatid habang ibinababa ang telepono niya.

Ipinatong niya iyon sa mesa sa loob ng sala ng bahay nila. Gabi na at hindi pa dumarating ang kapatid niya. Nag-alala tuloy siya rito.

Pilit itong ngumiti sa kanya. "Pasensya ka na kung pinag-alala kita ate." Malungkot ang tinig nito.

Nakahinga siya nang maluwang na nandito na ito. "Okay lang, ang mahalaga nandito ka na."

"A-Ate," garalgal ang tinig na sambit nito habang nakatingin sa kanya.

Kaagad na dinaluhan niya ito at hinawakan ang mga braso.

"Ano'ng nangyari? Bakit? May problema ba?" nag-aalala na siya sa hitsura ng kapatid. Namamasa ang mga mata nito.

Umiling-iling ito. Napansin rin niyang namumutla ito. Lalo siyang kinabahan at baka may iniinda ito.

"Tama na... nakakasama sa'yo ang ganyan. Ano ba'ng problema?"

Tiningnan siya nito na puno ng lungkot ang mga mata. "A-Ate... may mahal na siyang iba." Sa pagkakataong iyon ay tumulo ang mga luha nito sa mga mata.

Nakita niya ang sakit at paghihirap na lumarawan sa mga mata nito. Nasasaktan siyang makitang nasasaktan ang kapatid niya.

Huminga siya nang malalim at inalalayan itong umupo sa mahabang sofa. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay nito.

"Nandito ako Ellen... makikinig ako," masuyong sambit niya.

Humugot ito nang malalim na hininga bago tumingin sa kanya. "Alam ko na ilang beses ko pa lang siyang nakakasama pero iba na ang naramdaman ko sa kanya. Masaya ako na nakilala ko siya. Kapag kasama ko siya masaya ako. Siya ang perpektong lalaki para sa akin," ngumiti ito na hindi aabot sa mga mata.

Alam niya ang tinutukoy nito. Noon unang beses na ikwento pa lang sa kanya ng kapatid ang lalaking nakilala nito ay naramdaman niya ang kakaibang sigla ng kapatid. Sa araw-araw ay masaya ito at puno ng buhay ang mga mata.

"Marami pang lalaki diyan Ellen. You deserve someone better," mariing sabi niya.

Umiling-iling ito. "Hindi ko alam ate..." nalilitong sabi nito. "Iba siya... ibang-iba siya sa lahat. Hindi ko alam pero siya lang ang gusto ko. Sa kanya ko nakita ang mga katangiang gustung-gusto ko. Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin nito," mariing hinaplos nito ang didbib.

"Ellen..." malungkot na saad niya.

"Nang sabihin ko sa kanya na gusto ko siya abot-abot ang dalangin ko na ganoon din siya sa akin. Pero nagkamali ako ate," muling bumalong ang mga luha nito. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. "Nang sabihin niya sa akin na kapatid lang ang turing niya sa akin... ang sikip-sikip ng dibdib ko... ang sakit-sakit," nahihirapang sambit nito habang sapo ang didbib. Puno ng luha ang mga mata nito. Bumikig ang kanyang lalamunan sa paghihirap na nararamdaman nito."Nang sabihin niya iyon... hindi lang pala simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya. Higit pa roon." Ang lungkot sa mga mata nito ay walang katumbas. "Ate bakit ganoon? Bakit ang sakit-sakit?"

Ngayon lamang niya nakitang nagkaganoon ang kapatid niya. Alam niya na totoo ang nararamdaman nito. Sa unang pagkakataon ay umibig ito ng totoo at nasaktan ito. Natatakot siya dahil sa kondisyon ng kapatid. Nakakasama rito ang nararamdaman nito.

THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETEDWhere stories live. Discover now