CHAPTER FIFTEEN
"CLOSE your eyes Jazeel. For a moment feel the calming breeze."
Tiningnan ni Jazeel si Randel habang kapwa sila nakasalampak sa damuhan ng park. Naalala niya na minsan na siyang dinala roon ng binata. Ang masasayang alaala nila roon ay nagbalik-tanaw sa kanyang isipan.
Lumingon ito sa kanya na may nakapaskil na ngiti sa labi.
"Common, close your eyes," nakangiting pag-uudyok nito sa kanya. Ang mga mata nito ay kagaya pa rin ng dati. Napakagandang tingnan ang nangingislap nitong mga mata.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa asul na kalangitan. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niya ang masuyong dampi ng hangin sa kanyang balat.
"Isantabi mo muna ang lahat ng lungkot Jaz. At wala kang ibang iisipin kung hindi ang saya." Narinig niyang masuyong sambit ni Randel. "Alalahanin mo ang lahat ng masasayang sandali sa buhay mo. Pawang masasayang tagpo kasama ng mga mahal mo sa buhay. Samantalahin mo ang pagkakataon at yakapin ang lahat ng saya."
Sinunod niya ang sinabi ng binata. Nakita niya ang masasayang tagpo kasama ang kanyang mga magulang. Kapwa sila nakangiti at mababakas ang kasiyahan sa mga mukha. Nakita niya si Ellen... naririnig niya ang malulutong nitong tawa. At nakita niya ang mga araw na natagpuan niya ang kanyang pag-ibig sa tabi ni Randel.
Sa pagkakataong iyon ay hindi niya mapigilang ngumiti at maramdaman ang kalayaan ng puso niya. Sa paglipas ng mga taon ay ngayon lamang niya muling naramdaman ang ganoong kaginhawaan ng puso niya. Malaya na ang puso niya.
"I miss your beautiful smile Jaz..."
Saka lamang siya nagmulat ng mga mata sa sinabing iyon ni Randel. Nakangiti ito sa kanya. Hindi rin niya mapigilan ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Maraming salamat Randel," buong-pusong sambit niya.
"You're welcome," masuyong tugon nito. "Ganyan lang... ngumiti ka palagi ha. Ayokong nakikita kang nalulungkot."
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. "Ito lang pala ang kailangan ko para muling maramdaman ang saya sa puso ko," tiningnan niya ito ng tuwid sa mga mata. "I-Ikaw lang pala ang kailangan ko Randel." Hind na niya napigilan ang sarili na sabihin.
Naramdaman niyang hinuli nito ang isang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit. Ang masarap na pakiramdam na iyon habang hawak ang kanyang kamay. Kaytagal niyang pinanabikan iyon. At ngayong hawak siya nitong muli... ganoon pa rin ang pakiramdam. Ganoon pa rin kalakas ang epekto nito sa kanya.
"Ito naman ang dahilan kung bakit nandito ako sa tabi mo Jazeel," naging malamlam ang mga mata nito sa kanya. "Iyon ay para pangitiin ka... makita kang masaya."
Tanging ito lamang ang nakakagawa niyon sa kanya.
"Nagawa mo na Randel. Napangiti mo na ako," masuyong tugon niya.
"I'm glad I did," nakangiting saad nito.
"Ngayon na nandito ka... pakiramdam ko hindi na ako mag-iisa kagaya ng mga araw na iyon."
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay. "Hindi ba sabi ko sa'yo hindi ko na hahayaang mag-isa ka? Na hindi na kita iiwan kahit kailan?" masuyong sambit nito. "Kaya ako nandito... nandito lang ako hanggang sa muli kang maging masaya. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Kapag nalulungkot ka tawagan mo lang ako at pupuntahan kita."
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
General FictionThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.