CHAPTER THREE
"JAZ, what are you doing here?"
Napalunok si Jazeel habang nakatingin kay Randel na nakaupo sa sofa sa loob ng bahay ng mga ito. Kung nagulat ito na naroon siya sa bahay ng mga ito ay mas nagulat siya. Shit! He looks so handsome wearing an eyeglasses while he seems so serious in front of his laptop. At ang higit na mas lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang didbib ay wala itong suot na pang-itaas.
Tiningnan niya ito. Iniiwas niya ang sarili na mapatingin sa malapad nitong katawan. Pakiramdam niya ay biglang nanuot ang kanyang lalamunan.
"Ah... eh, pinapunta kasi ako ni sir dito para dalhin itong mga dokumento," nauutal na sagot niya at iminwestra ang hawak na folder.
Waring nahalata nito ang reaksyon niya nang kumunot ang noo nito.
"Oh! I'm sorry." Kaagad na sinuot nito ang puting t-shirt na nasa tabi nito.
"Nag-jogging kasi ako sa labas kaya nainitan ako bigla."Nakahinga naman siya nang maluwang nang isuot nito ang damit.
"Iyan! Pwede ka nang tumingin nang diretso sa akin Jaz," naglalaro pa ang isang ngiti sa labi nito.
"Hindi naman kita tinitingnan ha," pagtatanggol niya sa sarili.
"Really?" amuse na sabi nito. Tinanggal nito ang salamin sa mata at lumapit sa kanya. Ngayon ay mas lalo niyang nasisilayan ang kagwapuhan nito. Nakakainis! Bakit ba ang gwapo-gwapo ng lalaking ito? "Nahuli nga kita na pinagmamasdan ang abs ko eh," mayabang pang sabi nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ang kapal mo talaga Randel! Hindi kita tinitingnan!"
"Alam ko naman na nagagandahan ka sa katawan ko hindi ba?" tumaas-baba pa ang kilay nito.
"Hindi nga sabi eh!" sa inis niya ay pinalo niya ito ng folder na hawak.
Tumawa lamang ito. "Biro lang, masyado ka talagang seryoso diyan Jazeel."
Hindi niya napaghandaan ang susunod nitong gagawin. Pinisil nito ang ilong niya. Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi siya kaagad nakakilos. Napakalambot talaga ng kamay nito. Hindi pa ito nakuntento at pinanggigilan pati ang pisngi niya.
"Aray naman Randel! Bitawan mo nga ako," saway niya rito nang makahuma.
"Ang cute-cute mo Jaz," lalo pa nitong pinisil ang pisngi niya habang tumatawa.
Napakasarap sa pandinig ang tawa nito. Minasdan niya ito, naalala niya ang huling pag-uusap nila ng binata. Pakiramdam niya ay nakilala niya ang isang bahagi ng pagkatao nito. At ngayong ganito ito kalapit sa kanya hindi maiwasang maramdaman ng puso niya ang kakaibang damdaming ito na hindi niya kayang bigyan ng kahulugan.
"Ayaw mo akong bitiwan ha. Pwes, heto ang sa'yo!" hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas at umangat ang kanyang isang kamay at pinanggigilan rin ang pisngi nito. Natawa siya sa hitsura nito nang diinan niya ang pagpisil sa pisngi nito. "Akala mo magpapatalo ako sa'yo," natatawang patuloy niya.
"Aw... Jaz tama na, masakit," daing nito at nabitiwan ang kamay na pumipisil sa kanya.
Lalo pa niyang pinisil ang pisngi nito habang tumatawa siya. "Yan ang bagay sa'yo! Ang kulit mo kasi!"
Natigilan lamang siya sa ginagawa nang biglang mag-iba ang tingin ng binata sa kanya. Nabura ang kanyang ngiti at tila naging doble ang kabog ng dibdib niya nang tumingin ito sa kanya nang mataman. Nangingislap ang mga mata ng binata. Ganoon naman talaga ang mga mata nito, na tila laging nangungusap pero bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa tingin nito ngayon? Hindi niya maintindihan.
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
General FictionThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.