CHAPTER FIVE
"SAAN ba talaga tayo pupunta?" pangungulit ni Jazeel kay Randel.
Huminto sila sa paglalakad at tiningnan siya nito. "Basta," nakangiting sagot nito. "Doon sa lugar na tayong dalawa lang," kinindatan pa siya nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata at hinampas ang braso nito. "Sira-ulo ka talaga."
Tumawa lamang ito at hinuli ang kamay niya. Naroon na naman ang mabilis na pintig ng kanyang puso sa tuwing hahawakan nito ang kanyang kamay. Ang lambot ng kamay nito ay naghahatid ng kakaibang sensasyon sa kanya.
Hindi niya dapat pinahihintulatan iyon pero sutil ang puso niya dahil nagugustuhan niya ang ginagawa ng binata. Tuluyan na niyang hinayaan itong makasama siya. Gusto rin naman niya ang bagay na iyon. Gusto pa niyang makasama nang matagal si Randel.
"Biro lang," nakangiting sambit nito. "Naisip ko kasi na dalhin ka dito sa clubhouse at may inihanda ako para sa'yo."
"Ano naman iyon?"
"Malalaman mo iyon mamaya. Kaya halika na," inakay na siya nito sa loob ng clubhouse.
Ni hindi nito binitawan ang kanyang kamay. Naglakad sila na magkahugpong ang kanilang mga kamay. Hinayaan niyang damhin ang masarap na pakiramdam na tila ligtas siya sa higpit ng hawak nito.
Huminto sila sa isang kubo na may mesa sa gitna at nakahanda ang maraming mga pagkain. Sa paligid nito ay mga mga makukulay na kurtina. Napakapresko ng paligid. Napangiti siya sa ganda ng nakikita.
"Jaz..." ani Randel at humarap sa kanya. Ngayon ay hawak na nito ang kanyang dalawang mga kamay. Nakita niya ang kislap sa mga mata nito. Napakaganda talaga ng mga mata nito. "Hindi kasi ako romantic na tao," nakangiwing sabi pa nito. "Kaya pagpasensyahan mo na itong inihanda ko para sa'yo."
Ngumiti siya ng matamis at pinisil ang mga kamay nito. "Ang ganda-ganda kaya ng ginawa mo. Tingnan mo oh," masayang sinulyapan niya ang kubo. "Ang cute-cute at parang ang sarap kumain diyan,"aniya nang ibinalik ang tingin rito.
Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi nito. "Nagustuhan mo ba?" waring 'di makapaniwalang sambit nito.
Masayang tumango siya. "Oo naman. At huwag na huwag mong sasabihin na hindi ka romantic na tao dahil para sa akin ay napaka-romantic ng ginawa mo," hindi na niya napigilang sabihin.
"Masaya ako at nagustuhan mo ang inihanda ko sa'yo Jaz," waring nakahinga ito nang maluwang sa sinabi niya. "And wait... there's more!" sandaling humiwalay ito sa kanya at may kinuha sa mesa. "Here... white roses for the lovely lady."
Napuno ng pagsuyo ang puso niya nang ilahad nito sa kanya ang bungkos ng puting rosas. Maraming beses na siyang nakatanggap ng mga bulaklak pero iyon ang unang beses na may nagbigay sa kanyang puting rosas. White roses symbolize purity. Ang ibig bang sabihn niyon ay malinis ang hangarin nito sa kanya?
"Gusto kong malaman mo na katulad ng mga mga puting rosas na iyan ang hangarin ko sa'yo Jaz. Malinis at kahit kailan ay hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasasakit mo," masuyong sambit nito. Nasagot ang kanyang tanong.
Hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nitong iyon. Nakangiting tinanggap niya ang bulaklak. "At kagaya ng pagtanggap ko sa mga bulaklak na ito, ang ibig sabihin niyon ay buong puso akong naniniwala sa'yo. Salamat Randel."
Ngumiti ito nang matamis. "Masaya akong marinig sa'yo iyan. At ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo. Thank you so much Jazeel," ang mga mata nito ay napakaganda ng kinang.Sinuklian niya ito ng matamis na ngiti. "Ang mabuti pa umupo na tayo at nagugutom na ako eh."
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
General FictionThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.