CHAPTER SIX
NAGISING si Jazeel sa marahan na paghaplos sa kanyang pisngi. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata. At nasilayan niya ang magagandang mga mata ni Randel. Mula pagtulog hanggang paggising ay ito pa rin ang nakikita niya.
Muli niyang naramdaman ang masuyong paghaplos sa kanyang pisngi. At sa pagkakataong iyon ay ang nakangiting mukha na ni Randel ang nasilayan niya. Nananaginip ba siya?
"Okay ka lang ba? Nangangalumata ka. Halatang kulang ka sa tulog. Nawala lang ako ng ilang araw pinabayaan mo na ang sarili mo."
Nandito nga si Randel. Tinig nito ang naririnig niya. Umayos siya ng upo mula sa swivel chair at tiningnan ang binata na nakaluhod sa kanyang paanan. Nakatingin ito sa kanya na puno ng pag-aalala ang mga mata.
"Randel!" gulat na sambit niya at inayos ang kanyang buhok. Nang mga sandaling iyon ay gusto niya itong yakapin pero wala siyang lakas para gawin iyon. At aaminin niya sa sariling na-miss niya ang binata.
Sa limang araw na hindi niya ito nakita ay hinahanap-hanap niya ito. Pakiramdam niya ay napakabagal ang paglipas ng mga araw na hindi niya ito kasama. Ganoon kalakas ang epekto ng binata sa kanya.
"Ako nga Jazeel," masuyong sambit nito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" muling nagkaroon ng pag-aalala ang mukha nito.
Ngumiti siya ng matamis. "Ayos lang ako Randel. Kailan ka pa dumating?"
"Kani-kanina lang," sagot nito. "Ikaw kaagad ang pinuntahan ko pagka-uwi ko." Hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nitong iyon. "Tapos naabutan kita rito na natutulog. Mukhang pagod na pagod ka. Ano ba'ng ginagawa mo Jaz? Pinababayaan mo na ang sarili mo," nag-aalalang sambit nito. "Dapat hindi na ako umalis kasi walang mag-aalaga sa'yo dito. Kung ganyan din naman na pinababayaan mo ang sarili mo kapag wala ako, hindi na ako aalis pa sa tabi mo," puno ng suyong sambit nito.
Hindi niya napigilan ang sarili at umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para gawin iyon.
"Ano kaba Randel, kaya ko ang sarili ko. Ang totoo niyan kasi..." nagkaroon siya ng pag-aalinlangan.
"Bakit? May problemaba?" hinuli nito ang kamay niya at pinisil iyon.
Binawi niya ang mga kamay mula rito nang maalalang may kasalanan nga pala ito sa kanya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.
"Huwag ka nang mag-alala sa akin Randel," matabang na sabi niya. "Okay lang naman ako. Tama! Okay lang ako na wala ka, kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ba okay ka rin naman?" tiningnan niya ito ng walang emosyon. "Okay ka na wala ako? Kasi ni text o tawag ay wala akong nakuha mula sa'yo. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari sa'yo eh," tumawa siya ng pagak. Hindi na niya napigilan ang hinanakit niya sa binata. Sa limang araw na lumipas ay hindi ito nagparamdam sa kanya. Kung ano-ano ang mga naisip niya. At ang pinakasamakit roonay habang inaalala niya ito ay nasasaktan siya. "Kung sabagay wala naman akong karapatan 'di ba? Ano mo b ako Randel? Kaibigan mo lang ako. Kaya wala ako sa lugar para sabihin mo sa akin ang mga nangyayari sa'yo."
Nakita niyang natigilan ito sa mga sinabi niya. Waring 'di ito makapaniwala. Maging siya ay hindi alam kung paano niya nasabi ang mga hinanakit sa binata.
"Hindi mo lang alam Jazeel na bawat sandali ay iniisip kita," mahinang sambit nito. "Na kung pwede nga lang na hilahin ko ang mga araw ay ginawa ko na... makita lang kita. Hindi mo alam kung gaano ang pagpipigil kong tawagan ka. Kasi kapag narinig ko ang boses mo hindi ako magdadalawang-isip na umuwi at puntahan ka. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Pero ang totoo 'non, miss na miss na miss na kita Jazeel," puno ng pagsuyong sambit nito.
YOU ARE READING
THE PAST SERIES 5: You Treat Me Like A Rose COMPLETED
Ficción GeneralThis is Jazeel Lejarde's story. 5'th among the Lejarde's cousins.