Chapter 3: Rejection

257 7 0
                                    

Kyle's POV

"Yun lang ang akala nyo. Pero hindi lahat umaasa sa magulang nila. Hindi lahat ng mayaman pare-pareho."naglakad ako palayo dahil baka kung ano pang masabi ko sa panget na 'yun. Tinulungan ko na nga sya kanina dun sa teacher nya tapos sakin pa galit. Sumakay na lang ako sa kotse ko.

Napatingin ako sa cellphone ko.

Justin calling. . .

"Oh?"sagot ko.

[Wow! Gandang bungad pre! Haha! Hello din magandang gabi!] rinig ko ang ingay ng music at tawanan ng mga ugok na 'to. Mukhang nasa bar na naman sila.

"Ba't ka tumawag?"ni-start ko na ang kotse ko. Uuwi na ako.

[Seriously, Kyle? Hindi mo alam kung anong meron ngayon?]

Ano bang sinasabi neto? Tss.

"Ewan ko sayo. Uuwi na ako, wala akong time sa mga kalokohan nyo."ibababa ko na sana ang tawag

[It's Aliyah's birthday.]

Naipreno ko bigla ang sasakyan ko sa sobrang gulat. Sh*t! Nawala sa isip ko.

"Asan kayo? Kasama n'yo ba sya? Kanina pa ba sya dyan?"sunod-sunod kong tanong.

[Relax. Andito kami sa bar nina Ace at papunta pa lang si Aliyah. Hindi ko akalaing makakalimutan mo ang araw na 'to. I thought you're going to propose to her on her birthday.]

"I forgot it's Ali's birthday because of that ugly duckling kanina. Papunta na ako dyan, and yes. I'll propose to her."

Since four years na naman kami. I think I'm ready to be with her for the rest of my life. Ang bakla man pakinggan pero sa tuwing maiisip ko yung araw na ikakasal kami ni Ali, nagslow motion ang lahat. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa buong buhay ko, si Aliyah lang ang babaeng minahal ko. Siya ang first love ko since kinder. Siya lang ang naging sandalan ko bago nagkaroon ng Octagon(group nina Justin, Ace, Prince, Andrew, Yuki, Brin, Aliyah at Kyle - Leader) na nabuo 4 years ago.

Hindi naman kami magpapakasal agad. I'll just propose to her because I just want her to know that she is the woman I wanted to be with.

[Mukhang mauunahan mo pa si Prince ah! Siya pinakamatanda saten tapos wala pang pinapakilalang girlfriend. Basta, we'll support you bro. Kahit anong mangyare. Basta lahat kami ninong ng mga magiging anak nyo ah! Haha!]

Kala nyo lang walang girlfriend yung isang yon hahaha.

"Oo. I'll go ahead. Iaayos ko pa yung setup ng proposal eh. Bantayan nyo muna si Ali ko."

"Sir, yes sir!"

Call ended.

Dumiretso na ako sa restaurant na lagi naming pinupuntahan ni Ali. Kinausap ko agad ang manager at sinabi ang tungkol sa proposal setup na gagawin ko. Pumayag naman agad sila na yung restaurant nila ang maging venue. Iba na talaga kapag gwapo. Haha!

"Sir, ayos na po ang mga flowers, candles at dinner set-up sa taas. Naset na rin po ang music at perfect po ang gabing ito because of the moonlight. Goodluck Sir!"nakangiting sabi nung staff.

"Thank you."tipid kong sagot at ngumiti na lang.

Excited na ako. Hindi na ako makapaghintay. Ngayong gabi, magiging fiance ko na si Ali. The girl of my dreams.

Agad kong tinawagan si Justin para ihatid si Ali dito sa restaurant.

Maya-maya pa ay nakita ko na ang kotse ni Justin kasabay ang pagbaba ng babaeng mahal ko.

"Goodluck!"kita ko sa buka ng bibig ni Justin at nagthumbs up pa sakin. Nagsalute ako sa kanya. Ganon kasi kami magkaintindihan. Haha.

Nagsenyas ako sa isang staff na simula na kaya agad na namatay ang mga ilaw sa baba at dumiretso ako sa rooftop ng restaurant.

I'm His Personal Slave (On Going)Where stories live. Discover now