Kumakain ako ngayon sa cafeteria at muntikan ko nang maibuga ang isinubo kong tinapay dahil bigla na lang akong inakbayan ni Kyle.
Problema ba nito?! Nilalandi ba niya ako? At dito pa talaga sa maraming tao?
Sige lang Kyle para awayin ulit ako ng mga may gusto sa'yo ano? Mabuti 'yan!
"Baka nakakalimutan mong personal slave kita? Bakit mo ako tinutulak?"mapang-asar na tanong niya sa akin at napaawang ng konti ang bibig ko nang sandaling higitin niya ako palapit sa kanya at may ibinulong.
"May pakinabang ka rin pala. Thanks."sabay alis niya.
Sa likod ko siya dumaan at hahabulin ko sana siya nang makita ko sina Aliyah at Andrew na nakatingin sa amin. Kaswal lang na nilagpasan ni Kyle silang dalawa.
Wag mong sabihing..
Pinagseselos niya si Aliyah?
Ano na naman bang trip nitong tatlong ito at pati ako ay dinadamay pa nila?
May pakinabang daw ako? Hah! Lakas niya ah! Ako pa talaga ang ginamit niya para pagselosin itong si Aliyah.
Ang tanong nagseselos naman kaya?
Nagtama ang mga mata namin ni Aliyah pero agad din naman siyang umiwas at lumakad na sila paalis ni Andrew.
Ano yun? Nagselos o hindi? Ano ba yan! Ang hirap kapag walang boyfriend hindi ko alam ang mga usaping tungkol sa pag-ibig tsk tsk.
Bumalik na lang ako sa huling klase ko dahil mamaya ay may practice na sa lintik na Mr. And Ms. C.H.A. na iyan.
Nangangati ang ulo ko e sa tuwing maaalala ko ang pageant na 'yan!
Mabilis natapos ang klase at nasa gymnasium na kami ngayon. Pinasuot sa amin ang heels at isa-isa kaming pinalalakad.
"Ms. Perez! What is wrong with you? Kanina ka pang pamali-mali!"saway sa akin ni Madam Precious.
Jusko. Nakakahiya!
Bakit ba palagi na lang ako ang nakikita niya? Nagkakamali rin naman si Aliyah pero ako lang ang pinagagalitan. May kinikilingan din itong isang ito e!
"Sorry po.. hindi na mauulit."sambit ko habang nakayuko dahil hiyang hiya na talaga ako.
Hindi naman kasi ako nababagay dito. Ginagawa ko lang kung ano ang kaya ko dahil nandito na ako pero mukhang palpak talaga.
Last na talaga! Kapag nagkamali pa ako hindi na ako sasali. Kakausapin ko na talaga si Ms. Romina.
Medyo umaayos naman ang lakad ko pero nagkakamali pa rin paminsan minsan.
Ang sakit na ng paa ko! Huhuhu.
Itong mga kasama ko parang relax na relax lang sila. Paano nila nagagawang lumakad nang maganda sa taas ng heels na suot namin?!
Halos tatlong oras kaming nagpapractice maglakad at pakiramdam ko naninigas na ang binti ko.
"Okay! Magpahinga muna kayo!"sigaw ni Madam Precious.
Buti naman at nakaupo rin ako sa wakas. Tinanggal ko na muna ang heels.
Hindi ko inaasahang tatabihan ako ni Aliyah.
"So, how's you and Kyle?"tanong niya habang nagtatanggal din ng heels niya.
"Okay naman. Bakit mo natanong?"sagot ko naman dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy niya.
Naalala ko tinanong din ako ni Hannah e kung anong relasyon namin ni Kyle. Ano namang magiging relasyon namin bukod sa pagiging Master niya at ako bilang alipin! Hindi ko pedeng sabihin ito dahil baka goodbye tuition fees ang mangyare!
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
Dla nastolatkówAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.