Kyle's POV
Pagkatapos ng nangyare, dumiretso na lang ako sa bar nina Ace.
"Kamusta bro? Asan si Aliyah?"bungad ni Justin na mukhang enjoy na enjoy sa kalong nyang babae.
"Tss. Hindi ako hanapan ng mga nawawalang tao."sagot ko at kinuha ang beer sabay inom nang diretso.
"Woah. Easy lang Kyle. Kung uminom ka, para kang nabasted eh! Haha."sinamaan ko ng tingin si Ace. Pinagtawanan naman ako nina Yuki at Brin. Upakan ko 'tong kambal na 'to eh! Kung alam lang nila. Hindi lang ako basta nabasted.
"Alam mo bro ayos lang yan. Tayong mga lalake kelangan din maghanap ng babae paminsan minsan! 'Di ba Kuya Prince?"sigaw ni Yuki at nakipag-apir pa kay Prince. Mga ungas talaga.
"Oo nga. Gumaya ka rito kay Justin. Pang-limang babae na nya 'yan dito sa bar! Haha."wika ni Brin na matutumbang hindi. Lasing na nga sya.
"Justin umayos ka nga! Pinapahiya mo ang Octagon eh!"biro ni Prince kaya binatukan sya ni Justin.
Octagon ang tawag sa grupo namin dahil walo kami. Isa sa mga sikat na banda sa iba't ibang school.
"Ikaw prinsipe ng kadiliman gayahin mo na lang ako! Haha. Porket mas gwapo ako sayo!"Pang-aasar nya kay Prince at pinaalis na nya 'yung babaeng nakakalong sa kanya.
"Aish. Mas matanda pa rin ako sayo kaya gumalang kang bata ka!"sigaw ni Prince na hawak ang batok nya ngayon.
Napatingin ako kay Andrew. Tahimik na naman sya. Tss.
"Kyle, tara dun. May ipapakilala ako sayo."bago pa ako nakasagot ay hinila na ako netong si Justin papuntang dance floor.
"Anong nangyare bro? Is it a yes?"hindi ako nagsalita. Pinanood ko na lang yung mga nagsasayaw. Karamihan sa kanila mga babae. Ang iikli nga ng mga suot eh. Ansakit nila sa mata.
"Huy! Mamaya ka na maningin ng chics! Sagutin mo muna tanong ko. Ano, kelan ang kasal?"
T*ngina lang. Ako? Manchichics dito? Wag na. Wala namang maganda dito. Hindi ko sinagot ang tanong ni Justin at naglakad ako palayo. Mas mabuti kung uuwi na lang ako.
Pasakay na ako sa kotse ko nang makita ko si Keanna. Lumapit sya sakin.
"Kuya andyan ba si Andrew sa bar?"umiiyak sya. Pinaiyak na naman ba sya nung kumag na 'yun?
"Bakit ka umiiyak? Tska gabi na hinahanap mo pa si Drew. Isa pa, bawal kang pumasok sa bar. Tara na, uuwi na tayo."hinihila ko sya pero parang rubber band 'tong batang to.
"Kuya ayoko umuwi! Gusto kong makausap si Andrew!"pagmamaktol nya. Ayos lang naman sakin na magkagusto sya kay Drew pero minsan ang OA na n'ya. Knowing na 3 years ang agwat nila, parang kuya na rin nya si Drew eh. Ewan ko ba dito kung bakit patay na patay sa katropa ko eh andyan naman si Drake. Hindi man aminin ni Drake pero kita ko sa mga mata nyang gusto nya si Keanna.
"Let's go. I don't think it's a good idea to go to him like that."napatingin ako sa suot nya. Ganun din sya. Nakapantulog lang sya tapos magkaiba pa yung tsinelas na suot nya.
"Nagmamadali kasi ako eh."malungkot na sabi nya.
She sighed.
"Sige na nga Kuya. Tara na umuwi."dire-diretso syang sumakay sa kotse ko. Sumakay na lang din ako at nagdrive na pauwi.
Buong biyahe namin walang umiimik hanggang sa makapasok kami sa bahay. Mukhang may problema talaga sya.
"Keanna, if you have a problem just call me. I'm willing to listen to you. I'll see if I can help. Matulog ka na, maaga pa ang pasok bukas. Goodnight li'l sis."I smiled.
YOU ARE READING
I'm His Personal Slave (On Going)
Teen FictionAngel is a girl who prioritize studies over anything. Until one day, she meets Kyle. She got expelled but make it to an expensive school with the help of Kyle but there is an agreement. She will be his personal slave.